Chapter 40

122 24 0
                                    

Pagdating nina Greg at Heaven ay tinakpan agad ng binata ng panyo ang  mata ng dalaga. Naglakad sila papunta sa  kwarto.

"Ano ba kasi iyon, bakit kailangan pang nakatakip ang mata ko? Mas lalo tuloy akong natatakot sa mga pakulo mo eh," sabi ni Heaven.

"Eh gusto ko nga na ma-surprise ka. Sige na, kapag nakita mo naman ito eh tiyak na matutuwa ka sa akin eh. Okay? Ready ka na?" sagot naman ni Greg

"Oo, kanina pa nga ako ready eh. Ang dami mo naman kasing arte," may inis sa boses na sabi ni Heaven

Doon ay tinanggal na ni Greg ang blind fold ni Heaven. Gulat na gulat ang dalaga dahil sa nakita niya.

May mga rosas na nakalagay sa paligid ng room at may rosas din na naka-form ng I love you sa kama.  May red balloons sa paligid, bottle of wine at kung anu-ano pang palamuti.

Pagharap ni Heaven ay naka kneel down si Greg sa kanya habang may hawak na isang box na maliit at  may bouquet of flowers din.

Hindi makapaniwala si Heaven, hindi man niya natupad ang dream wedding propasal niya ay masaya pa din siya dahil pinaghandaan naman talaga ni Greg ang lahat.

"Pinaghandaan mo talaga ito? Paano? At saka, hindi pa naman tayo nagtatagal. Bakit proposal agad, babybu?" sabi ni Heaven

"Para sa akin naman, hindi mahalaga kung gaano katagal o kabilis ang relasyon eh. Ang importante sa akin eh the love will stay and be stronger. Diba ganoon naman iyon?" sabi ni Greg

"Eh paano ang mommy mo? Alam mo naman na talagang ayaw sa akin noon eh," sabi ni Heaven

"Ano ka ba? Ang tanda-tanda na natin. Ako na ang bahalang kumausap sa kanila. Oo nga pala, toy ring lang ito ah? Hindi pa ito ang totoong proposal. Practice lang," sagot naman ni Greg

Sandaling nainis si Heaven pero agad na din siyang tumawa. Hindi din naman niya kasi kailangan iyon ngayon. Ang makasama lang si Greg sa Tagaytay trip na ito ay ayos na sa kanya. Atleast ay nag-effort ang kanyang nobyo na pasayahin siya sa araw na ito.

Agad na nagpunas ng luha si Heaven sabay tumawa at niyakap din niya si Greg. Para sa kanya ay perfect moment na ito para sa kanilang dalawa.

"So fake din pala dapat ang tears ko dito? Haynaku naman. Alam mo, hindi ko naman kailangan ng ring eh. Hindi pa ngayon, sa tingin ko ay napaka-aga pa noon para sa ating dalawa," sabi ni Heaven

"Ang toy ring lang ang nagpe-present ng aking promise sa iyo. Na ikaw na ang huling babaeng mamahalin ko sa buhay na ito. At kung sakaling mawala ako ay hahanapin pa rin kita doon. Basta, kahit ano na ang mangyari ay hahawakan na natin ang isa't isa ha?" sabi ni Greg

"Naku, ang sweet naman! Kahit naman sino siguro ay kikiligin sa sinabi mo. Ano pa ba ang mahihiling ko? Syempre wala na," sabi ni Heaven sabay ngiti kay Greg

"So, will you marry me, my Heaven?" tanong ni Greg

"Of course I do, I will marry you," sagot naman ni Heaven

Tuwang-tuwa si Greg to the point na binuhat niya si Heaven dahil sa sobrang saya. Agad namang sinabi ng dalaga na ibaba siya nito dahil pi-picturan niya ang toy ring at ipapadala niya sa I-Face sa Mama niya at kay Hunter.

Pagsapit ng 12AM ay tinawagan ni Heaven ang Mama niya sa I-Face. Masaya niyang ipinakita ang toy ring sa Mama niya. Hindi alam i Heaven kung matutuwa ba siya o matatawa dahil isang toy ring lang naman ang nasa finger niya.

"Merry Christmas anak, patingin ng ng singsing mo kung maganda. Hijo, bakit naman hindi pa totoong singsing ang binigay mo eh payag naman na ako?" sabi ng Mama ni Heaven

"Eh, pag-iipunan ko pa po iyon maigi, ang mahalaga po ay nag-yes na siya sa akin kaya wala nang atrasan pa ito. Merry Christmas din po sa inyo dyan," sabi ni Greg

Bigla namang sumulpot si Hunter sa screen para na rin makita ang toy ring na bigay ni Greg kay Heaven. Matagal niya iyong tinitigan bago siya nagsalita.

"Eh baka naman kaya hindi pa totoong singsing ang binigay kasi hindi ikaw ang balak pakasalan girl. Isip-isip ka din minsan," sabi ni Hunter sabay tawa

"Huy, kilala mo naman ako. Hindi ko kayang gawin iyon kay Heaven, loyal kaya ako dito sa babaeng ito!" sabi ni Greg

"Alam ko naman, binibiro ko lang kayo. Sana nga ay kasama din ako dyan eh. Iniinggit niyo pa ako," sabi ni Hunter

"Hayaan mo na, may ibibigay naman kami sa iyo pagbalik namin dyan eh. Promise, magugustuhan mo iyon!" sabi ni Heaven

"Bakit? Si Kio ba ang tinutukoy niyo? Aba, kung si Kio lang naman iyan eh bilisan niyo na. Umuwi na kayo dito," sabi ni Hunter

"Loko ka talaga. Sige na, pakausap na ulit sa Mama ko." sabi ni Heaven

Agad namang binalik ni Hunter ang cellphone sa Mama ni Heaven. Pagkatapos ay naging busy na si bakla sa kanyang sariling cellphone.

"Merry Christmas po Mama, pagbalik po namin dyan ay babawi ako sa inyo ha? I love you po, see you soonest," sabi ni Heaven

"Sige anak, enjoy ka lang ah? Sendan mo ako ng pictures niyo ni Greg dyan. Sana sa susunod ako naman ang kasama mo," sabi ng Mama ni Heaven

"Oo naman po, sa susunod talaga ay kayo na po ang kasama natin dito. Kahit po kasama pa si Hunter ay okay lang. I love you po," sabi ni Heaven sa kanyang Mama

Pagbaba ng cellphone ay agad na umupo si Heaven sa kama. Amoy na amoy pa niya ang mga rosas. Agad niya iyong pinicturan para i-post sa I-Face mamaya. Tinawag niya si Greg at nag-picture din sila sa may mga lobo. Ito na nga siguro ang isa sa pinaka-masayang araw ni Heaven at Greg. Isang araw kung saan walang problema o gulo.

"I love you, Greg. Salamat sa mga ito ah?"

"Wala iyon. I love you more,"

The Playlist (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon