TPM.64

996 37 4
                                    


"Congratulations Graduates!!"

Sabay sabay naming hinagis ang itim na toga cap namin sa ere. Hindi nagawang masalo nina Axel at Cooper yung kanila, mga baliw kasi, baliko kung maghagis.

At last, we're now graduates from Senior High.

"Let's take a picture Bud" tinapik ako ni Dad sa balikat. Napangiti ako sa kanya.

"Sure Dad!"

Si Yohan ang nagpicture samin. Nakisali narin ang iba pang mga kapatid ko.
Inalalayan ni Dad si Mom na tumabi samin. Malaki na ang tiyan ni mommy kaya ingat na ingat si Dad.

"Congrats Anak, we're so proud of you" wika ni mommy at hinalikan ang sentido ko.

"Thanks mom"

I can see that Mom and Dad are both proud, ako ang unang anak nila na nakatapos sa high school with high honor pa. Well, alam kong hindi parin ako tapos, I still need to take college pero hindi ko pa alam kung saan. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong plano ko, kung anong course ang kukunin ko. Hanggang ngayon wala pa akong desisyon.

"Family picture naman!" Saad ni Olivia.

Yung maid na kasama ang nagpicture sa aming lahat. Halos pinagtitinginan na kami ng mga magulang at schoolmates ko. Paano kasi'y ang dami naming miyembro ng pamilya. Oo lahat kami nandito sa graduation, pero ayos lang, dahil masaya ako na ma witness nila ang achievement ko ngayong araw.

"Zach!!" Pinuntahan ako nina Axel, Cooper at Kurt.

"Tito, tita, pwede pong hiramin si Zach?"tanong ni Axel.

"Sure iho, basta pakibali lang samin" natatawang sagot ni mommy.

"Mom, Dad, mauna na po kayo, sasabay nalang ako kina Axel"

"Sige, take care of yourselves okay?"paalala ni Dad.

"I will Dad"saad ko at sumama na kina Axel.

"Graduate na tayoooo!!!" Nagyakap-yakap kaming apat.

Ramdam ko ang kasiyahan, at the same time ay nalulungkot din ako. This will be the last time na magiging magkakaklase kaming apat, maghihiwa-hiwalay na kami dahil iba't ibang school na ang papasukan ng mga bugok na 'to sa college.

"Picturan ko kayo dali!!" Wika ni Kate.

Nag akbayan naman kaming apat at nagpose. Maraming kinuhang shots si Kate, papaano'y ang kukulit ng mga 'to kaya palaging blur yung kuha.

"Lovesickers!! Papicture naman!!"

Maraming babae ang dumumog samin. Last day na namin sa school na 'to, at nilubos lubos na mga fans namin ang pagpapicture. May nagpapirma pa ng t-shirts nila at yung iba humalik pa sakin!! Mabuti at sa cheeks lang.

"Kuya Kurt!"

"Timmy boy!" Lumapit sa amin si Vin Timothy at ang tatlo pa nyang kasamahan, isa doon ay babae.

"Bakit kayo nandito guys?"takang tanong ni Cooper.

Mga third year kasi ang mga ito kaya nakakapagtaka.

"Gusto lang namin kayo mapanood na mag march at umakyat ng stage para sa diploma. Support namin kayo!"saad ni Elsa, sya ang drummer nila.

"Kuya, mamimiss namin kayo! Sana bumalik kayo dito minsan ah!"ani Jam, ang guitarist nila.

"Timmyboy, alagaan mo ang banda ah? Sayo ko na ipagkakatiwala ang pangalan ng Lovesickers"wika ni Kurt.

"Opo kuya Kurt. Makakaasa ka sakin!" Aniya at sumaludo.

✔She WritesOn viuen les histories. Descobreix ara