TPM.36

778 40 5
                                    

Tahimik ako buong klase, ang dami parin umiikot sa utak ko, iniiwasan kong mapasulyap kay Caspian. Gusto ko syang tanungin, kung saan sya galing kaninang lunch at kung sino ang kasama nya kahapon pero wala akong lakas ng loob.

Ito ang unang araw na madalang lang kaming mag usap ni Caspian. Very unusual. Nang tumunog ang bell ay mabilis kong inayos ang mga gamit ko sa bag, wala naman akong duty ngayon kaya maaga akong makakauwi.

"Aalis kana agad? Bye Loui.."ani Kate.

"Bye"paalam ko. Napatingin ako kay Caspian na nakatingin din sakin.

"Uwi na ako"wika ko sa kanya. Bigla syang tumayo at hinawakan ang kamay ko.

"Ihahatid na kita"

Habang naglalakad kami sa corridor ay pansin ko ang pagiging bad mood nya. Hindi manlang nya ako tinitignan o kinakausap habang naglalakad kami.

"Uh.. galit ka ba?"tanong ko.

"Mabilis ka bang hinatid ni Jack kahapon? Hindi kayo nagsama ng matagal?" Medyo irita ang boses nya ng sabihin nya yun.

"Hindi naman. Nagusap lang kami ng konti"

"At ano namang pag uusapan nyo? Close ba kayo?"

"Siguro? Nagkita na kami noon sa party ng lola mo. Pinakilala sya sakin ni Lola Kath, at sya rin ang nagtour sakin sa mansion"

Dahil sa sinabi ko ay parang mas lalo syang nainis. Hindi ko alam kung anong nasa isip nya ngayon pero hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa mga reaksyon nya.

Nakarating kami sa kotse nya. Pagpasok namin ay nakabusangot parin sya.

"Ano bang mukha yan? Kanina pa lukot na lukot"

Hindi naman sya sumagot at nagdrive nalang. Hindi na naman nya ako kinakausap kaya ako na ang naunang magsalita.

"Caspian.. pwede ba tayong kumain sa labas ngayon?"tanong ko.

"Why?"

"Wala lang. Normal lang naman yun sa mag girlfriend-boyfriend diba?"ani ko.

Napasulyap sya sakin saglit at tumingin ulit sa daan. Tila parang nag iisip kung papayag ba sya o hindi.

"Well... okay"

"Talaga?!"Napangiti naman ako agad.

"Yeah why not?"

"Eh kasi mukhang galit ka, sinusubukan ko lang naman kung papayag ka o hindi"

"Di ako galit"

"Weh? Di nga? Pakiayos nga ng mukha mo" hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya para pakortehin sa pagngiti.

"Stop squishing me. I'm driving Al"masungit nyang saad.

"Ay? Ang sungit sungit ng boyfriend ko oh!"pinisil pisil ko ang pisngi nya ng mabilis nya akong lingunin at halikan sa labi.

Napabitaw ako bigla at lumayo agad sa kanya. Ang puso ko ay nagtatambol na naman sa loob ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa nya.

"Kiss lang pala ang katapat mo eh"aniya habang nakangisi.

"Che, magdrive ka na nga. Magnanakaw ng halik" nagkunwari akong masungit kahit sa loob loob ko ay kinikiliti na ako ng mga paru-paro ko sa tyan.

Ngunit naantala ang biyahe namin ng nagring ang phone ni Caspian. Tumigil sya at sandaling lumabas para sagutin ang tawag.

Sino naman kaya ang katawagan nun at kailangan nasa labas pa sya? Bawal ko bang marinig?

Maya maya pa ay sumakay na ulit sya at nagdrive pero this time ay ang daan na pauwi sa bahay ko ang dinadaanan namin.

✔She WritesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon