TPM.28

808 40 2
                                    

Nabitawan ko ang doorknob at kusang umatras ang mga paa ko sa paghakbang. Nararamdaman ko ang pagbigat ng dibdib ko habang nakatingin sa babaeng nakayakap mula sa likod ni Caspian.

Nakaramdam ako ng inis, pati ang mga kamao ko ay kusang yumuyukom ng mahigpit.

"Loui? What are you doing there?"

Nilingon ko si Jack na sa ngayon ay mukhang nagulat ng makita ako.

"Why are you crying?"

"H..huh?" Pinunasan ko ang pisngi ko, and there I realize that my eyes are watering my cheeks.

Napabaling ang tingin ni Jack sa loob ng kwarto. He saw Caspian and that girl backhugging him.

"Oh it's Zach-"

"Please umalis na tayo dito" hinigit ko agad sya palayo.

Kung saan saan ko sya dinala, ang totoo ay hindi ko na alam kung paano hanapin ang hagdan o ang lumabas sa ala-maze na mansion na 'to.

"Alam mo ba talaga kung saan ka pupunta?"

Nilingon ko si Jack ng magsalita sya. I was empty the whole time na hinihigit ko sya, akala ko nga ay wala akong kasama.

"You look in pain and jealous" there is a sign of humor in his tone.

Tinaasan ko sya ng kilay, medyo inis sa mga tono ng pananalita nya. He chuckled at sya naman ang humila sakin this time.

Dinala nya ako sa isang balcony, wherein I can see the whole wide garden infront of the mansion. Nakapaganda, super green with a touch of color blue, red and yellow dahil sa mga flowers.

"Tell me.. kilala mo ba si Zach? And you were crying seeing him with another girl?"

"Ano!? Hindi ah! Wala akong gusto sa Caspian na yun"

Natawa na naman sya na para bang isa akong clown.

"Caspian huh? Ikaw lang ang tumatawag sa kanya sa first name"saad nya ng may halong panunukso at malisya.

"Whatever"I rolled my eyes but he just chuckled.

"Deny it or not, it is still obvious. So kilala mo pala ang pinsan ko? Sya ba yung sinasabi mong kahawig ko?"he said teasingly.

Hindi naman ako nakasagot at bumuntong hininga nalang. Ganun ba talaga ako kabilis basahin?

Pinsan nya pala si Caspian, tignan mo nga naman ang pagkakataon... bakit ba palagi nalang akong nakakakilala ng mga taong may koneksyon kay Caspian?

"Seems like I am right"

"S..sabihin mo, sino yung babae kanina?" Curious kong tanong.

"Oh, she's Courtney, anak sya ni tito Kyle and Tita Min. Kaibigan sila ng parents namin ni Zach"

"Siguro... close ang family nila"hindi ko matago ang lungkot sa boses ko.

"Yes really, bestfriend ni tita Ruan si Tita Min and that really made their children close to each other. Courtney obviously likes Zach but don't worry... Zach doesn't like her"

That reliefs me from pain pero naalala ko ang isang bagay kaya hindi attracted si Caspian sa ibang babae—dahil kay Sierra.

"Alam ko yun dahil si Sierra ang gusto nya"sagot ko.

He look at me for a second para bang may gusto syang itanong ngunit hindi nya alam ang mga tamang salita para dun.

"And I like Courtney kaya hindi sya papatusin ni Zach"

"So mukhang love triangle kayong tatlo? Puro one sided nga lang"

Pinagkrus ko ang braso ko sa rail ng balcony at sumubsob sa pagitan ng braso ko.

✔She WritesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon