TPM.44

935 48 8
                                    

Dedicated to Ginheart2 ❤

I remember this girl on facebook, isang ring reader nina Rein at Ruan noon. thanks sa pagbabasa bebs.

Happy 7k TPM! And happy 36k TPS.A!

===

After that day kumalat na ang balita tungkol kay Sierra at Caspian. Even sa newspapers at sa t.v, maraming nagtatanong kung ano ng nangyari samin. Naging linya ko na sa lahat ang 'we broke up, but we're still friends' kapag inuusisa nila ako

Two days na ang nakalipas pero hindi kami masyado nagkakausap ni Caspian, mamaya na ang re-sched public performance nila sa plaza kaya busy sila para sa preparation.

Hindi ko alam kung makakapunta pa ako. Dahil panigurado na nandoon si Sierra.

"Hindi ko talaga maintindihan. Bakit nagkabalikan pa sila?! And Sierra stole your name! Wala ka ba talagang gagawin Loui ha?!" Inis na saad ni Kate sakin.

Nasa room kaming dalawa, hindi pumasok ang ilan naming classmate dahil a-attend sila ng performance ng Lovesickers. Kaya wala tuloy na pumasok na teacher nagpabigay lang sya ng assignment para sa susunod na meet up.

"Wala akong dapat gawin Kate"tipid kong sabi.

"Hindi ko alam kung ano talagang nangyari sa inyo ni Zach, pero may mali dito Loui!! Binigay mo na ang pangalan mo kay Sierra, binigay mo pa pati si Zach?! Akala ko ba mahal mo sya?! Ano na bang nangyayari sayo?! Masyado kang mapagbigay!!" Halatang mas stress pa sakin si Kate, alam ko naman na nag aalala lang sya sakin.

"Si Sierra ang mahal nya"sagot ko nalang. Mahina lang ang pagkakasabi ko nun, napatingin ako sa itaas dahil mukhang luluha na naman ako.

Nakakainis, ayoko na ng ganito. Ayoko nang naging mahina.

"Damn you Zach... hindi porket meaningless lang ang relationship nyo, ganito na ang gagawin nya! Hindi nya ba ramdam na gusto mo na sya!? Na totoo na ang feelings mo sa kanya?!"

Mapakla akong natawa ng mahina.

"Ipagpapasalamat ko pa na sobrang manhid nya Kate.."ani ko.

Tinignan nya ako, kumunot ang noo nya sakin, tila nagtataka sa mga katagang sinambit ko.

"Ayokong mapahiya sa kanya. Mas lalo akong talo kung malaman nya 'tong feelings ko. Kaya hangga't maari Kate... please wag mong sasabihin kahit kanino na mahal ko si Caspian okay?"saad ko.

Tinitigan nya ako ng ilang segundo, bumuntong hininga sya at napailing.

"Grabe ka Loui.. napakatanga mo" yan nalang ang saad nya.

Natawa nalang ako ng mahina.

"Nagtext sakin si Kuya kanina, sabi nya na pumunta daw ako sa mini concert nila. Ayoko man pumunta pero baka madisappoint sya, at.... "

"At?"

"Pinapasabi din ni Zach na pumunta ka"

Hindi naman ako sumagot at napangiti nalang. Ewan ko ba kung maaasar ako o hindi dahil doon.

"Uuwi na ako, I'm sure gutom na si Lucky. I need to feed him"saad ko at tumayo na.

"Pumunta ka Loui, siguradong nandoon si Sierra, kailangan mo kong awatin dahil baka makalbo ko sya"

"Edi mas mabuting wag nang pumunta. Gusto ko syang makalbo, baka sakaling iwanan na sya ni Caspian"sagot ko at lumabas na.

Umuwi agad ako sa bahay at nahiga sa kama. Tumunog ang phone ko at nagulat ako ng makitang tumatawag si Caspian.

✔She WritesWhere stories live. Discover now