TPM.45

1K 45 42
                                    

Nagsimula na ang performance ng Lovesicker, napakaraming tao na enjoy na enjoy sa panonood sa kanila. May mga guest rin na celebrity singers kaya lalo pang dumami ang mga tao.

Ako naman ay prenteng nakaupo sa unahan, hindi mawala ang ngiti ko kay Caspian dahil madalas syang pasulyap-sulyap at pangiti-ngiti sakin habang kumakanta.

"And now.. this is what we have been waiting for, our talented Star tonight! Sierra!"

"We could leave the Christmas lights up 'til January
This is our place, we make the rules"

Kumakanta si Sierra sa stage, nandoon parin si Caspian pero hindi sya kumakanta dahil isinasayaw nya lang si Sierra.

Yung saya ko kanina ay napalitan ng lungkot. Bawat pagtitingan nila sa isa't isa, bawat simpleng pagdampi ng balat nila ay kinakikiligan ng mga tao sa paligid. Makikita mo ang spark sa kanilang dalawa, like they are really deeply inlove with each other.

"And there's a dazzling haze, a mysterious way about you, dear
Have I known you twenty seconds or twenty years?"

"Can I go where you go?
Can we always be this close forever and ever?"

Naghiyawan ang mga tao ng matagumpay na nabuhat ni Caspian si Sierra at itinalon sa ere papunta sa kabilang side. Nakakamangha ang mga galaw nila, halatang may chemistry sa pagitan nila kaya ang mga tao ay walang sawa sa pagsigaw, lahat sila ang nakangiti.

"And ah, take me out, and take me home
You're my, my, my, my lover"

"Wooooh!!"

Mas lumakas ang hiyawan ng halikan sya ni Sierra sa labi. Napaawang ang bibig ko dahil hindi lang yun basta isang halik, isang malalim at passionate na halik. Nakita ko ang pagngiti ni Caspian ng malaki ng maghiwalay sila dahil kakanta na ulit si Sierra.

"Arf! Arf! Arf!"

Nagulat ako ng tumakbo si Lucky. Kanina pa talaga sya hindi mapakali sa hindi ko alam na dahilan.

"Lucky!" Tumayo agad ako at hinabol sya.

Naabutan ko sya ngunit napatigil ako ng makita si Jared na yakap yakap si Lucky.

"I miss you buddy! I've been searching you for almost 3weeks! Where have you been huh? Paano ka napunta dito?"

"Jared?"

Napatingin sakin si Jared na medyo maluha-luha pa ang mata.

"Loui?" Napangiti sya agad sakin.

"S..si Lucky..." tinuro ko si Lucky na nasa braso nya.

"You know him?"takang tanong nya.

"Oo. Ikaw ba ang amo nya?"tanong ko.

"Yeah. I've been looking for him everywhere, buong city nalibot ko na kakahanap sa kanya. Unexpectedly, nakita ko syang tumatakbo papunta sakin. Ikaw ba ang nakakita sa kanya?"

"Oo, naawa kasi ako baka magutom sya sa daan"

"Thank you!" Nagulat ako ng yakapin nya ako.

"Sorry, I am just glad, ito nalang kasi ang natitirang ala-ala sakin ni Smile, yung mother ni Lucky na namatay na. She's my very bestfriend kaya masaya ako na makita ang anak nya"

Napangiti naman ako sa kanya. Actually I find him cute crying over his pet. Hindi ko rin expect na sya pala ang may ari kay Lucky.

"Waahh!! Zach!!"

"Aray!" Nabunggo ako bigla ng mga babaeng fangirls na tumatakbo papunta sa sa harap, muntik pa akong matumba, mabuti at nahawakan ako ni Jared sa bewang gamit ang isang kamay nya.

✔She WritesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon