TPM.42

901 39 7
                                    

Happy 35k The Playboy S.A 💕 sa mga hindi pa nakakabasa, visit nyo lang po ang timeline ko.

Thank you po~

===

"Get in" maawtoridad na wika ni Caspian ng makarating kami sa parking lot.

Pumasok naman ako agad tapos ay umikot sya para pumasok sa driver's seat. Nakakunot parin sya ng noo, seryoso ang mukha at nag iigting ang panga.

"C..Caspian-"

"Are you with them earlier kaya nag ditch ka na naman ng class? Bakit ba panay ang cutting mo these passed few days? Noong friday nag ditch ka din ng afternoon class!"inis na sambit niya.

"Eh kasi-"

"Are you with that two guys earlier? Tell me, kasama mo ba sila maghapon?!"

"Si Damon lang ang kasama ko! Si Jared nakita ko lang sa harap ng school-"

"Jared huh? And Damon? I thought you hate him? Why are you with him?"

"We're friends now. Humingi na sya sakin ng tawad. Okay na kaming dalawa"

Napairap sya sakin at mahigpit na hinawakan ang manibela.

"Okay? Nakalimutan mo na ba ang ginawa nya sayo noon? He used you! He doesn't care about you!"

Nainis ako sa inaakto nya, paano nya nasasabi ang mga bagay na ginagawa nya rin sakin ngayon? Wala na ba talaga syang konsensya? Nakakatuwa ba talaga na nagmumukha akong tanga sa harap nya?

"Break na sila ni Sierra, wala na akong dahilan para magalit pa sa kanya"seryosong saad ko.

Napatitig naman sya sakin, naging blangko ang ekspresyon nya. Walang bahid ng anumang emosyon. Yung inis nya kanina ay tila natunaw nalang bigla.

"Oo ginamit nya ako, pero para yun sa pangarap nya. Tanggap ko na yun, na mas pinili nya ang pangarap nya kesa sakin. Pero ayokong masayang yung pinagsamahan namin noon, I don't want to end our friendship dahil sa ginawa nya"ani ko at umiwas ng tingin.

"Friendship? Sa tingin mo ba ganun din ang tingin nya sayo? Matapos ka nyang gamitin?"

Tinignan ko nalang sya, ilang segundo akong nagpakalma ng sarili ko. I need to absorb what he is saying, hindi nya ba nare-realize na lahat ng sinasabi nya ay reflected sa kanya?

"May duty pa ako, aalis na ako" lalabas na sana ako ng kotse ng paganahin nya ang engine.

Muli ko syang nilingon.

"Ihahatid na kita"aniya at pinaandar agad ang kotse.

Tahimik kami sa biyahe. Diretso lang ang tingin nya sa daan, ako naman ay sa bintana.

Sa tuwing nababanggit ko si Sierra nagiiba ang mga kilos nya, pansin na pansin ko yun. Ganun nalang ba talaga ang epekto sa kanya ni Sierra? Siguro nga sobrang mahal nya ang babaeng yun, at ako naman ay isang hadlang sa pagsasama nilang dalawa.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magpapakatanga, pero pakiramdam ko... malapit na akong sumuko.

Isa nalang ang naiisip kong paraan para malaman kung ipagpapatuloy ko pa 'tong ginagawa ko. I need to confess to him, I need to know kung may nararamdaman sya kahit katiting lang. He said I am special... yun ang sinabi nya sa talkshow, sana kahit sa special na yun, may pag asa ako kahit papaano.

"Wait, I'll just buy a drink on that store" itinigil nya ang sasakyan at bumaba saglit.

Ako naman ay naiwan hawak ang backpack ko. Unconciously ay binuksan ko yun at bumungad sakin ang love letter na ginawa ko. Agad ko itong kinuha at inilagay sa loob ng bag ni Caspian, inipit ko sya sa isa sa mga notebook nya.

✔She WritesWhere stories live. Discover now