TPM.34

736 43 1
                                    


Happy 4k reads! Haha. Thank you po readers!

Dedicated to: Cappuccino_rin
Thanks po sa pagvote ate hehe :)

===

"Anong kakainin natin? Libre mo ba ako?"nakangiti kong tanong.

"Ano pa nga ba?"

"Wow.. parang milyon ang gagastusin mo sakin ah? Fyi, may kinikita kana sa pagbabanda no"

"I know, choose whatever restaurant you want. One hour naman ang break, sa labas na tayo"he said and smile.

"Seryoso?"

"Bakit? Ayaw mo?"

"15 minutes away yung pinakamalapit na resto dito. Dyan nalang tayo sa McDo na kaharap lang ng school"

"Okay. Mcdo is fine. Tara" nagkibit balikat nalang sya at inakbayan ako.

Pasimple akong napangiti at sumunod nalang sa kanya. Pero pareho kaming napatigil ng makasalubong namin si Sierra na papasok palang. Mukhang ngayon palang sya papasok dahil basa pa ang buhok nya.

"Hey Zach..."binati nya kami ng nakangiti.

Napakunot ang noo ko at tumingin kay Caspian na ngayon ay blangko lang ang mukha.

"I just want to congratulate your achievements these past few weeks. Napakaganda ng bagong released songs nyo. Actually pinapakinggan ko sya ng paulit ulit hanggang sa makatulog ako"

"Well.. thanks for that" ang plain ni Caspian sumagot. Ewan ko ba kung matutuwa ba ako o hindi.

May epekto parin ba si Sierra sa kanya? Bakit ganito ang mukha nya?

"Your voice is really soft that it can make ma fall asleep just like the old days na kinakantahan mo ako lagi"hindi mawala ang ngiti nya habang nagsasalita.

Lalong kumunot ang noo ko sa mga pinagsasabi nya. Bringing up the past huh? Para saan?

Kay Caspian lang sya nakatingin at hindi ako pinapansin. Sinasadya nya bang umakto na parang wala lang ako?

Nagpakawala ng isang maliit na ngisi si Caspian at hindi na sumagot pa. Nakuha naman ni Sierra na nagiging awkward na ang atmosphere kaya napasinghap sya at nagpumilit na ngumiti ng matamis.

"Well una na ako ha, may 12:00 noon class pa ako eh. Bye, see you next time"she smile sweetly.

Nginisian naman nya ako bago makalagpas sa amin. Si Caspian naman ay sinundan sya ng tingin at blangko parin ang mukha. Tinitigan ko sya, gusto kong basahin kung anong nasa isip nya pero ang hirap.

Nagtama ang mata namin at bigla syang ngumiti ng maliit sakin.

"Let's go"

Binantayan ko ang kilos ni Caspian. Normal na normal pagkatapos naming makita si Sierra, walang anumang weird na expressions mula sa kanya.

Actually ngayon ko lang din natanong sa sarili ko kung.... nakamove on na din kaya sya?

"Hey, stop thinking of me. Kasama mo na nga ako eh"he teased.

"Assumero"ani ko.

"Oh cellphone mo"nilapag nya ang isang box, nanlaki agad ang mata ko ng makita ito.

"C..Caspian akala ko talaga hindi ka seryoso—"

"Nah. Anong akala mo sakin? Nandyan na yung number ko. Ikaw na bahalang magdagdag"

"Okay! Uhm..t..thank you ah"nahihiya kong saad.

Natawa sya ng mahina at pinisil ang pisngi ko.

"Di bagay Al"aniya. Sinamaan ko aya ng tingin kaya mas natawa pa sya sakin.

Bumalik kami sa pagkain. Pansin kong hindi masyadong mapakali si Caspian sa upuan, papaano'y marami ang patingin tingin sa aming dalawa lalo na sa kanya.

✔She WritesWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu