EPILOGUE

1.4K 66 22
                                    

A L T A I R

"Loui, tapos mo na ba yung assignments?"tanong sakin ni Jared.

We're both eating at the cafeteria, sobrang stress ko sa school, paano'y sunod sunod ang deadlines ng mga projects at proposal letters namin.

"Hindi pa nga eh, ginagawa ko pa yung business plans ko, tsaka bukas pa naman yung pasahan ng assignments"

"Wala pa akong nasisimulan sa business plans, inuna ko yung proposal letter ko kagabi" napahawak sa sentido si Jared, halatang stress sa sunod sunod na kailangan ipasa.

"Ayoko na mag aral Lou, tutal tagapag mana naman ako. Hindi nalang ako mag aaral"alam kong hindi sya seryoso dun, pero ramdam ko na napapagod na si Jared.

Nakakainis kasi yung ibang mga subject namin, kahit minor lang, feeling major! Tambak tambak tuloy yung gawain ko.


"May term paper pa tayo"sabi ko.

"Tang*naaaa..." napasubsob sya sa mesa, kulang nalang ay  hilingin nya na sana ay lamunin sya ng lupa.

Napatingin na sa kanya yung ibang studyante, siniko ko sya at sinaway na umayos.

"Ayos lang yan, unahin mo nalang yung mahirap"

"Alin dun? Eh lahat yon mahirap! Tang*na talaga ng mga feeling major na yan eh"pinanggigilan ni Jared and kinakain nyang chicken française.

"Language hoy, baka marinig ka ng iba"

"So what? They can't understand me anyway? Tang*na talagaaaa...."

Napailing nalang ako kay Jared. First year college palang kami, pero pinapahirapan agad kami ng mga prof. Wala sawa sila sa pagbibigay ng mga projects at assignments! And worse, parang nag usap usap pa sila dahil makakapareho ang deadlines!

Nakakastress!!

Maaga akong umuwi para asikasuhin agad ang mga school papers ko. Tinignan ko ang oras at nagulantang ako sa sobrang dami ng missed calls sakin ni Caspian. Nagmadali ako sa unit ko at mabilis na kinuha ang laptoo ko, binuksan ko ang messenger ko, sakto naman na online sya kay tinawagan ko agad sya.

"Caspian? Madaling araw na dyan ah? Bakit gising ka parin?"pambungad na tanong ko.

He's on his study desk wearing a gray sweatshirt. I can't help to admire his handsomeness, bagay na bagay sa kanya ang sweatshirt nya.
Palagi akong kinikilig kapag nagtatawagan kami, kahit ngayon kaso hindi ko maipakita sa kanya ngayon dahil nakasimangot sya habang nakahalukipkip. He's in the bad mood.

"Why do you think I'm still up until now? Kanina pa kita tinatawagan" may halong inis ang tono ng boses nya.

"Sorry, nakasilent ako"sagot ko.

He avoided my gaze and sighed.

"Medyo busy lang ako, tambak kasi yung gawain namin tapos sabay-sabay pa yung deadline. Si Jared nga halos mamatay sa daming gawain eh"

"Jared? I'm not asking about him, wag mo syang isingit sa usapan"aniya.

"Hindi naman sa isinisingit ko sya, I'm just trying to tell na ganun rin ako kastress kagaya nya. I feel like I'm dying with those bunches of school stuffs"

"You're like him? Or maybe you like him already?"may bahid ng selos ang pananalita nya.

Heto na naman po sya sa selos.

"Caspian naman, nagseselos ka parin? I told you before na may fiance na yun tao, si Eloise! You don't have to be jealous"

"Why wouldn't I? You're with him the whole time! Ako? Nandito sa Pilipinas, namimiss ka palagi. Nakakainis na mas matagal mo pa syang nakakasama kesa sakin!" hindi sya tumitingin sakin, halatang nagtatampo na naman ang lalaking 'to.

✔She WritesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora