TPM.19

1K 39 15
                                    

HINDI KO AKALAIN na ganito kasaya ang pamilya ni Zach. Mababait ang magulang nya, at magkakasundo silang lahat. Magulo man minsan dahil sobrang makukulit ng kambal, masasabi kong isang dream happy family ang Anderson Family. Nakakainggit.

Nasa hapag kaming lahat. Buong Anderson Family ay nakalinya sa isang mahabang mesa. Nasa pinakadulo si Tito Rein kandong ang bunso nilang si Keila. Nasa gilid nya si Tita Ruan, sina Lane at Luke, at Yohan. Sa kabilang gilid naman ay si Caspian, ako naman ang sumunod tapos ang kapatid nyang si Jairo.

Kahit marami na kami ay hindi parin namin napuno ang mesa. Sobrang laki kasi! As in parang pinaghandaan na ng pamilya nila na bumili ng malaking mesa para sa isang malaking pamilya.

Napakaraming pagkain, iba't ibang putahe ang nakahain at may mga desserts pa. Sadyang napakalaki nga ng pamilya ni Caspian pero hindi yun problema dahil mayaman sila.

"Have some more Altair, kumain ka ng madami" alok sakin ni tita Ruan.

"Opo tita"

Omg. Super bait nya! Hindi ko akalaing ganito ka approachable ang mommy at daddy ni Caspian. Palagi silang nakangiti sakin, at sa paraan nila ng pagtingin ay talagang mararamdaman mo na welcome ka.

"Try the caldereta Altair, that's my baby's specialty. I'm sure you will like it" ani naman ni Tito Rein.

"Sige po"

Sa totoo lang, kanina pa ako kinikikig sa kanya! Literal! Kasi ang gwapo gwapo eh! At ang sweet sweet pa nila ni tita Ruan! Tapos baby parin ang tawagan nila kahit ang dami na nilang babies. Err..kainggit!

Nagulat ako ng may naglagay ng pagkain sa plato ko. Si Caspian, at nakataas pa ang kilay nya sakin.

"Sabi ni Mom kumain, sabi ni Dad i-try mo yung caldereta. Anong ginagawa mo? Tumutunganga habang nakangiti"pabulong nyang saad sakin.

"Eh kasi kinikilig ako sa parents mo hihi!"nakangiti parin ako habang bumubulong sa kanya.

Napatingin naman sya sa magulang nya. Pinupunasan ni Tita Ruan yung gilid ng labi ni Tito Rein kasi hawak hawak nya yung bunso nilang si Keila. Tapos biglang hinuli ni Tito yung kamay nya at pinag intertwined pa!

"You also want holding hands while eating?" Ngumisi si Caspian sakin kaya inirapan ko sya at kumain ulit.

Napatigil ako ng maramdaman ko sa ilalim ng mesa ang kamay nya na tumiklop sa mga palad ko. Aalisin ko sana ngunit humigpit pa ito lalo. Tinignan ko si Caspian pero nagpatay malisya lang sya at patuloy parin sa pagkain.

"So Zach said that he'll going to compose a song with your lyrics? Does it means na member ka narin ng banda nila Altair?" Tanong sakin ni Tito.

"Po? Uhh..."

"Yes Dad, she is. She's our lyricist from now on"si Caspian na ang sumagot.

Napatingin ako kay Caspian. Teka? Napag usapan na namin 'to diba? Hindi ako sasali sa kanila, ibibigay ko lang yung mga gawa ko noon. At akala ko ba may practice sila nina Kurt ngayon?

"Well that's good. You can work together, and mas magiging in-touch kayo dahil connected lang ang hobbies nyo. Hilig din kasi ni Zach na gumawa ng tono ng kanta"nakangiting saad ni Tita Ruan.

"I can sing too!" Sabat ni Lane habang nakataas pa ang isang kamay.

"And me too!"itinaas din

"No one's interested"banat ni Jairo sa kambal.

Sumama naman ang tingin ng dalawa at biglang kinuha yung apple na nasa gilid para ihagis.

"Lane, Luke"maawtoridad ang boses ni Tito Rein ng suwayin nya ang dalawa.

✔She WritesWhere stories live. Discover now