TPM.18

930 36 8
                                    

Hindi ko alam kung anong nakaka excite sa weekend-isang ordinaryong araw lang naman ito na walang pasok diba? Pero bakit nakakaramdam ako ng excitement, at the same time ay kaba?

It's 9:00 am in the morning. Nakasuot ako ng mini skirt at simpleng t-shirt na puti na may tatak na Lover in glitter and rainbow color, tapos white sneakers.

Nasa sala ako habang hinihintay si Caspian. Sabi nya kasi ay susunduin nya ako. Damn, bakit nakakaramdam ako ng kaba?

Nandun ang family nya- his parents and his six siblings. I wonder kung anong magiging reaksyon nila-teka? Bakit ba ako ganito? Bakit nababahala ako sa reaksyon nila?!

Maya maya pa ay tumunog ang phone ko. Nag text na si Caspian!

Caspian: Already here.

Napasilip agad ako sa bintana at agad na lumabas ng makita ang sasakyan nya.

Binuksan nya ang bintana nya at sinilip ako. Nginitian ko sya at natuwa ako dahil ginantihan din nya ako ng ngiti.

Dug.dug.dug.

There's something wrong with my heart right now.

"Hop in"saad nya.

Tumungo naman ako at sumakay. Napatitig ako kay Caspian dahil sa simpleng suot nya. Nakapants lang sya at simple white sleeveless shirt. Omg. Kitang kita ang biceps nya.

"Let's go?"

"Y..yeah"

Pinaandar na nya ang sasakyan. Hindi ako mapakali, masyadong nakakadisctract ang biceps nya! Nag f-flex kasi ang muscles nya kapag pinipihit nya yung manibela! Masyadong... masyadong nakakaakit sa mata!

Hindi ko naman kasi akalain na may maipagmamalaking katawan pala ang lalaking 'to! Dahil long sleeve ang uniform namin sa school ay hindi nakikita ang arms at biceps nya.

Pero fudge... sobrang nakakadistract talaga! Ngayon lang ako naging ganito! Hindi naman ako ganito kahit nakakakita ako sa tv ah?!

Umiling iling lang ako dahil sa sarili kong thoughts. Baliw na yata ako.

"You're so quiet. Anything in mind? Share naman"saad nya at sandaling sumulyap sakin.

"Uh.. w..wala"hindi ko sya tinignan.

"C'mmon Al, I'm bored. Kausapin mo ko"he said.

"Bakit ako? Kasalanan ko pa ba na bored ka?"

"Girlfriend's duty? Libangin mo naman ang boyfriend mo"sabi nya at tumawa.

"Ano ako clown? Libangin mo sarili mo"

"Psh. What kind of girlfriend your are? You're not even clingy"umiling iling sya at parang sinasabi na ang hopeless ko.

"Anong clingy? Hello? Pumayag akong maging boyfriend ka pero dahil lang yun sa deal! No feeling involve no! Assumero ka na naman"

"Kahit na, having a boyfriend is also having a responsibility. Bet you never have one before at ako ang una tama ba?"tinaasan nya ako ng kilay.

"Tama at wala talagang kabuluhan ang kauna unahang relationship ko sayo. Ewan ko nga kung maitatawag itong relationship-HOY!"

Muntik na akong masubsob sa windshield dahil sa biglaang pagtigil ng sasakyan. Mabuti nalang at nakaseatbelt ako!

"Gusto mo na bang mamata-"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng mapansin kong nakatulala sya sa labas.

Tinignan ko kung saan sya nakatingin. Nagulat din ako ng makita sina Damon at Sierra na magkasama. Magkaholding hands silang dalawa habang nagtatawanan sa daan.

✔She WritesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon