TPM.35

819 47 12
                                    

Nang matapos ang dinner ay isa isa ng nagpaalam ang mga kaibigan ni Tita Ruan. Pero nagpaiwan si Jack para daw ihatid ako.

"Hindi mo na ako kailangan pang ihatid" saad ko ng makarating kami sa lugar na pinag park nya ng kotse.

"Gabi na and you can't go home alone. Babae ka Loui"he said.

'You shouldn't let yourself go home alone at night. Babae ka Altair'

Biglang nagflash sa utak ko yung unang beses na hinatid ako ni Caspian sa bahay. Bigla tulog akong napangiti.

"Tatawagan ko si Caspian, magpapahatid ako sa kanya"sabi ko at agad na nag tap sa phone ko.

Nagring ang phone ni Caspian pero sobrang tagal nyang sagutin. Humalukipkip naman si Jack habang nakatingin sakin. Naghihintay sa pagsagot ng phone ni Caspian.
Muli ko syang tinawagan pero hindi nya parin sinasagot at nagriring lang.

Hindi ko maiwasang madisappoint. Ano naman kayang ginagawa ng lalaking yun at walang time sagutin ang tawag ko?!

"I guess your boyfriend isn't available right now. Come on Loui you can trust me, at isa pa gusto ko malaman ang tungkol sa inyo ni Zach"tinaas taas nya ang kilay nya.

"Ano na naman ba yon?"medyo nairita ako sa pinakita nyang mukha.

"So kayo na ni Zach?" Siniko nya ako at tila parang nanunukso.

"Yes but it's not what you think"ani ko.

"Then what?"Kumunot ang noo nya.

"Naging kami dahil sa isang deal. Narinig kong pinagpupustahan nila ako ng mga bandmates nya at pinatos ko yun dahil sa cellphone kong binato nya"

"Eh? Alam mong pinagpustahan ka at pumayag ka? What the heck is in your mind?"

"There is a money related here. Well hindi naman sa gold digger ako  pero ang gusto ko lang ay palitan ni Caspian ang sinira nyang phone na pagmamay ari ko. Yun lang"

"Okay...? So that's how everything started..? may relationship status kayo but no feelings involve? But then ikaw.... nainlove na ng tuluyan?haha! Wow.. parang sa movie lang ah!"natawa sya sa sariling sinabi.

"Sa tingin mo nakakatawa yun ha?"sarkastiko kong saad. Tumigil naman sya at nag peace sign. Inirapan ko naman sya.

"But really.. papaano mo nagagawang itago ang nararamdaman mo sa boyfriend mo mismo? That's quite complicated? Unless.. Zach is also secretly inlove with you? Everything will be fine if that will happen? No worries and question with the status of the both of you"

Napabuntong hininga naman ako. Ang hirap kapag hindi mo alam ang iniisip ni Caspian. Hindi ko malaman kung may gusto ba sya sakin o wala, nagiging sweet sya sakin.. pero pano kung ginagawa nya lang yun dahil lang sa boyfriend ko sya at yun ang usual na ginagawa ng boyfriend?

"Stop thinking. Tara ihahatid na kita"

==

IT'S SO EARLY IN THE MORNING. Naglalakad papunta sa school na 15 minutes din ang layo pag nilakad. Wala ako natanggap na text kay Caspian kaya pumasok agad ako.

Pagdating ko sa room namin ay naroon agad si Kate na nakasilip sa bintana, nagtaka nga ako dahil ang aga nya.

Binaba ko ang bag sa seat ko at tinabihan sya sa bintana. Mukha syang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha nya. Bumuntong hininga sya bigla ng napakalalim at ibinuga yun ng marahas.

"Baho ah"

"Maria gracia!"

Nagulat sya sakin na ikinatawa ko. Hindi manlang nya ako napansin?

✔She WritesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon