TPM.15

911 34 7
                                    


"Aray! Ano ba?! Papatayin mo ba talaga ako?! Bitawan mo na kasi ako!"

Bitbit ako ni Caspian habang naglalakad. Pinagtitinginan na kaming dalawa, pero sya? Wala manlang pakielam!

"Caspian! Naiwan ko si Kate! Ano ba bitawan mo na ako! Ack!" Nilabas ko ang dila ko para kunwari ay nahihirapan na ako.

"Shut up. Ang arte mo, hindi naman kita sinasakal"

Sinamaan ko sya ng tingin, hanggang sa makarating kami sa rooftop ay masama parin ang tingin ko sa kanya.

"There.." sa wakas ay binitawan na nya ako.

Bahagya nya pa akong tinulak! Walanghiya talaga ang lalaking 'to! How ungentleman!

"Bakit mo ba ako dinala dito?! And worst, kinaladkad mo pa ako gamit ang braso mo sa leeg ko?! Balak mo ba akong i-murder dito?!"inis na sigaw ko.

"Don't think stupid. I'm hiding your hickey from everyone idiot"

Napatigil ako sa sinabi nya. Narealize kong natanggal na pala yung mga band aid ko. Naramdaman ko na ang unti unting dugo na umakyat papunta sa mukha ko dahil sa inis.

"Ikaw..." nagyukom ng mahigpit ang palad ko ng maalala ko ang mangyari kahapon.

"WALAHIYA KA! MINOLESTYA MO KO!"sigaw ko.

Literal syang napatalon sa gulat dahil sa lakas ng boses ko.

"You're too loud!!"

Lumapit naman ako sa kanya at pinalo sya ng pinalo sa dibdib. Sya naman ay sinusubukang protektahan ang sarili nya.

"Bastos! Manyak! Mahalay! Malaswa! Magaslaw! Walanghiya! Masama! Lapastangaaaaan!!!!"

Pulang pula na ang mukha ko sa inis. Habang sya ay gulat na gulat lang sa reaksyon ko. Ang lalim na ng paghinga ko dahil sa pagod kakahampas ko sa kanya. Mukhang ako pa ang napagod sa aming dalawa, dahil ang tigas ng katawan nya!

Nakita kong namula ang braso nya pero wala akong pake!! Actually kulang pa ang ginawa ko sa kanya!!!

*pant*pant*pant*

"Okay ka na?" Hahawakan nya sana ako pero sinamaan ko agad sya ng tingin kaya hindi nya nalang tinuloy.

"You're such a late response human"

"Ano?!"

Humalukipkip naman sya at ngumiti sakin ng nakakaasar.

"Ang dami mong time magreklamo sakin kahapon pero hindi mo ginawa?

"At anong pinaparating mo ha?!"

Mas lalo pa syang ngumiti at lumapit pa sakin.

"That you like it. You totally like it"

Napanganga ako sa sinabi nya at muli sya hinampas ng malakas.

"Hoooy! Ang kapal ng mukha mo tsong!!"

"Why? Isn't that true? You kissed me back remember?"saad nya. Napakagat naman ako sa labi ko dahil totoo ang sinabi nya.

Argh! Bakit ako ang talo sa pag uusap na 'to?!

Bakit kasi ako humalik pabalik eh?! Bakit kasi sobrang nakakaakit at nakakadala ang mga labi nya?!

"And you even cling your arms around me. We both know that we enjoyed that kiss" Sobrang confident nya sa pagsagot sakin at unti unti naman akong nilalamon ng kahihiyan.

We..? Enjoyed it? Ibig sabihin... n..nag enjoy din sya? Waahh! Shatap!shatap! Hindi ka nag enjoy Loui!

"H..hindi ko yun na enjoy no! Ang kapal mo talaga! Kakasuhan kita ng sexual harassment!!" Dinuro ko sya ngunit hinuli nya ang kamay ko at inilagay sa likuran nya.

✔She WritesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon