TPM.2

1.2K 39 1
                                    

"Hey Fangirl?"

Tinaasan nya ako ng kilay na tila ba nangaasar sakin, naramdaman ko ang unti unting pamumula ng mukha ko.

"F..Fangirl?!"

Anong klaseng nickname yun?! Ang kapal ng mukha nyang sabihan ako ng fangirl!

"Ayaw mo ng Fangirl? Gusto mo ng Confession Girl?"he grinned.

"I..ikaw!—"

"Confession girl?"napatanong sila.

The guy smirked at them.

"She confessed that she loves me yesterd—mmm!!"tinakpan ko ang bibig nya, nahirapan pa ako dahil ang tangkad nya.

Mabuti at nagawa ko syang payukuin para lang patahimikin ang madaldal nyang bunganga.

"Uhh.. s..sandali lang ah? Kakausapin ko lang 'tong assumero nyong kaibigan hehe"nahihiya kong sabi at hinila sya sa gilid ng building.

"Do you really love me that you need to drag me here? Para ba masolo mo ko huh?"taas kilay nyang saad pero may ngisi parin sa labi nya.

"Ang kapal mo naman! Ano bang mga sinasabi mo kanina?!"inis kong untag sa kanya.

"What? I am just telling the truth? You really did confessed to me yesterday right?" He grinned.

"Oo na! Pero nagkamali lang ako kahapon okay? Kaya wag kang mag assume na gusto kita no!"hindi parin mawala ang inis ko sa kanya.

Napaka assumero naman kasi ng lalaking 'to! Porket gwapo sya? At excuse me, si Monchi lang ang nilalaman ng puso ko! Wala ng iba pa!

He just chuckled and shake his head.

"Fine.Fine.Whatever, you're not my type though. Babaeng hindi na tumangkad"

Nag usok ang magkabilang tenga ko sa sinabi nya at sinipa sya sa binti.

"Ouch! What the hell?!" Napatalon sya habang hawak ang isang binti nya.

Aba nakakainis ang pang lalait nya ah! Oo alam kong maliit ako! Hanggang balikat nya lang ako pero hindi ibig sabihin nun na mamaliitin nya na ako!

"Bagay yan sayo! Mayabang!" Nag walk out ako sa kanya at dumeretso sa room.

Hindi ko na binalikan si Kate dahil mukhang kaya naman nya ang sarili nya.

That guy! Nakakainis talaga ang mga ngisi at kayabangan nya! Grr!

Dinala nalang ako ng mga paa ko sa Music building. Hindi ito ang unang beses na pagpunta ko rito, kahapon ay nakapasok din ako dito at naswertehan na makita si Monchi.

Pero matapos yung kahihiyan ko kahapon ay hindi ko na ulit sya makita. Sana naman ngayon ay suwertehin ulit ako.

Habang naglalakad sa hallway ay may bumukas na pinto at lumabas ang isang babae.

Matangkad sya, morena, may mahaba,makintab at straight na itim syang buhok. Model type ang katawan nya at sobrang artistahin ng mukha. Aaminin kong sobrang nagandahan ako sa kanya, hindi ko tuloy maiwasang maikumpara ang sarili ko sa kanya.

Napansin nya ako at medyo napakunot sya ng noo.

"You're not familiar.."takang tanong nya.

Medyo maarte sya magsalita pero yung pagkamaarte nya ay bumagay sa maganda nyang mukha.

"N..napadaan lang ako actually. Naghahanap kasi ako ng cr?"pagsisinungaling ko.

Napataas sya ng kilay sakin.

"Uhh.. transferee kasi ako kaya hindi ko alam"dahilan ko.

"May comfort room dyan sa left side. You can use that"saad nya at nilagpasan agad ako.

✔She WritesWhere stories live. Discover now