TPM.38

835 42 9
                                    

Tumakbo ako ng tumakbo, sinita pa ako ng guard pagkalabas ng building pero hindi ko na sya pinansin. Nanlalabo na ang mata ko dahil sa mga luha, pero nagawa ko naman makarating sa lugar na pwede akong mapag isa. Sa rooftop.

Napaupo ako sa tabi at niyakap ang tuhod ko. Umiyak ako, umiyak ng tahimik. Iniiwasang humikbi dahil baka makita ako ng iba.

Sobrang sakit malaman ang lahat. Wala akong pakielam kung nilapitan nya ako para sa isalba ang banda nila, pero ang gamitin nya ako para bumalik ang taong mahal nya ay hindi sang ayon sa sitwasyon ko.

Gusto ko na sya, baka nga mahal ko na sya eh.

At hindi ko tanggap na ginamit nya ako para bumalik ulit si Sierra sa kanya. Hindi ko man sineryoso ang sinabi nya na magm-move on kaming dalawa pero yung ang nangyari sakin. I get over Damon and fall for him!

Wala akong nagawa kundi mag ditch ng class, hindi ko na kaya pang pumasok dahil magang maga na ang mata ko. Ilang oras na akong umiiyak, wala tigil hanggang sa naramdaman ko ang malalaking patak ng ulan.

But even how heavy the rain is, hindi parin nito natalo ang bigat na nararamdaman ko ngayon. I feel so drained, sobrang nakakapanghina ang pag iyak at hindi parin ako tapos hanggang ngayon. I tried to stand up, kahit walang pang dismissal ay lumabas ako ng school.

I wanna go home. I wanna rest myself.

Basang basa na ako, I am still crying pero hindi na halata dahil sa ulan. Walang dumadaang jeep, kung meron man ay puro puno. Wala ring cab na dumadaan, wala rin akong payong, so I have no choice but to walk a distance under the rain to reach my house.

Hindi ko pinapansin ang nasa paligid ko. Patuloy lang ako sa paglakad, fortunately ay nakauwi naman ako ng hindi naaaksidente.

Sumalampak agad ako sa kama dahil sa sobrang panghihina. Tumitig ako sa kisame, nagsimula na naman ang luha kong pumatak. I'm like a mess, basa parin ako pero wala ako sa kondisyon para magpalit.

"Woop.. woop" tumalon so Lucky sa kama at umupo sa gilid ng ulo ko.

Malungkot ang mukha nya at tila gustong pagaanin ang loob ko. Tinignan ko sya at hinaplos ang ulo nya. Bigla nyang dinilaan ang pisngi ko, natawa ako kahit sobrang bigat ng pakiramdam ko.

"I had a bad day Lucky.." ani ko.

"Woop.. woop.."

"Alam mo ba? May boyfriend ako pero hindi nya alam na mahal ko sya, nakakatawa no?" Ako na mismo ang tumawa sa sarili ko.

"Kahit isang deal lang ang relationship namin, wala parin naman syang karapatang makipagrelasyon sa iba diba? Cheating parin yun diba Lucky?" Emosyonal kong saad sa kanya.

He tilt his head and look so confuse. Maaaring alam nya na malungkot ako pero hindi nya maintindihan kung bakit. But still thanks to him, I feel a bit better.

Hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Sa sobrang bigat ng loob ko at sa pagod kakaiyak ay hindi ko na napigilan ang antok.

==

Paggising ko nalang ay tanghali na, napansin kong maayos na akong nakahiga sa kama at bago na ang suot kong damit. I feel weak, so much weak that I can't get up. Sobrang sakit rin ng ulo ko at nilalamig ako ng sobra.

"Good you're awake"

Unti unti kong hinilig ang ulo ko. Nasa gilid ko si Caspian, nakaupo ng dekwatro sa silya at nakahalukipkip.

"C..Caspian?"

Bumilis agad ang tibok ng puso ko ng makita sya, sobra saya ng nararamdaman ng puso ko pero at the same time ay nasasaktan parin ako.

✔She WritesWhere stories live. Discover now