TPM.13

884 34 2
                                    

Pilit nya akong hinila papunta sa kotse kung saan nandoon parin yung babaeng kasama nya kanina.

"Zach? Are we—"

"Alis na, ginagasgasan mo kotse ko"inis na sabi nya sa babae.

Napasimangot naman ang babae pero wala syang ibang nagawa kundi umalis sa harap ng kotse. Pinagbuksan ako ni Caspian, bahagya nya akong tinulak para pumasok sa kotse, hindi tuloy ako nakaangal.
Umikot naman sya at mabilis na umupo sa driver's seat.

"Bakit mo ko pinasakay?" May inis sa boses ko.

Hanggang ngayon ay naiinis parin ako sa kanya.

"You'll go home alone again? What did I told you last time huh?" Para syang kuya na pinapagalitan ako.

At sino sya para maging bossy sakin? Nobody lang ako diba? Bakit pinapakielaman nya ang buhay ko ngayon?!

"Ano bang pake mo? Hindi ka konektado sa buhay ko kaya wag kang makikisawsaw"

Tinignan nya ako ng ilang segundo, parang napaisip sya sa mga salitang nabitawan ko. Bigla nyang inilapit ang mukha nya sakin.

"Are you mad?" Naamoy ko ang alak mula sa bibig nya.

Nag inom pa ang lalaking 'to? Bakit? Dahil kay Sierra na naman?

"Uminom ka ba ha?!"

"Just a little"

Umirap ako at iniwasan nalang ang mga tingin nya.

"Kaya ko ng umuwi mag isa"ani ko at binuksan ang kotse pero bigla nyang ni-lock yun.

"Ano ba?!"

"Hindi ka pa ba masaya sa perang binigay ko kanina ha?"

"Bakit sa pananalita mo mukha akong gold digger?! Fyi! Sinira mo ang phone ko at obligado kang palitan yun!!" Tumaas na ang boses ko sa inis.

Sinubukan ko ulit buksan yung pinto pero nakalock parin. Inis kong hinampas yun at sinamaan sya ng tingin.

"Hindi mo ba talaga bubuksan 'to ha?"inis na sabi ko.

"Hindi"sagot nya at humalukipkip.

Bumuntong hininga sya bigla na para bang ang bigat na ng nararamdaman nya.

"I need someone to talk Al, can you be that someone?"tanong nya.

"Hindi. Ayokong makielam sa buhay ng ibang tao. Lalo na sa buhay mo. Hindi ako sasawsaw sa buhay mo"

"I didn't mean those words earlier. Of course my pakielam ka dapat sa buhay ko, you're my girlfriend right?"

Tumingin lang ako sa bintana, ayoko syang tignan.
Alam kong mas higit pa sa inis ang nararamdaman ko ngayon. Matapos nyang sabihin sakin kanina na wag ko syang pakielaman, ngayon naman gusto nyang kausapin ako? Ang kapal nya din pala. Anong akala nya sakin uto-uto? Magpapalubag loob sa mga salita nya? Wag na uy.

"You don't want to talk about my life? Then let's talk about someone else"

Napalingon ako sa sinabi nya. Seryoso ang mukha nya.

"Let's talk about Damon. Al, I want to know what is something about that jerk. Kung anong nakita ni Sierra sa kanya, why him? Why not me? Bakit gustong gusto nyo ang lalaking yun?!" Kitang kita ko ang sakit sa mga mata nya.

"Kung ikukumpara sayo, mas marami talaga syang lamang kesa sayo"

"And how could you say that?"

"Dahil gusto ko si Damon, at kapag gusto mo, para sayo walang makakatalo at hihigit pa sa kanya"

✔She WritesWhere stories live. Discover now