TPM.12

900 36 1
                                    

DISMISSAL.

Nang matapos ang huling klase namin ay nagsitayuan agad ang mga kaklase ko para umuwi. Ako naman ay mabagal na nag ayos ng mga gamit ko habang pinapakiramdaman si Caspian na ganun din ang ginagawa.

Date? Seryoso ba sya?

Ewan ko kung trip nya lang sabihin yun kanina, pero kung trip man yun, sisiguraduhin kong hindi nya ako mapag t-tripan! Tumayo na sya at sinadya kong hindi magtama ang tingin namin hanggang sa nauna na syang lumabas kasama ang mga kabanda nya.

Phew. Sabi ko na nga ba, hindi yun totoo. Well hindi naman ako umaasa, baka trip trip nya lang yun para asarin ako kanina.

"Lou? Una na ako ha?"paalam ni Kate.

"Sige bye"sabi ko at ngumiti.

Medyo nahirapan akong ayusin ang bag ko, paano kasi nagkaroon ng activity kanina at panay halungkat ko sa bag, nagkagulo gulo tuloy yung gamit ko.

Ako ang huling naiwan sa room. Mabilis na akong nagsuot ng bag at lumabas.

"Ang tagal mo"

"Ay unggoy!" Literal akong napatalon sa gulat ng makita si Caspian sa gilid ng pintuan.

Nakasandal at nakapamulsa.

"Caspian?! Bakit nandyan ka?"

Nagpintig ang puso ko, malamang dahil sa GULAT! Akala ko kasi wala ng tao!

"I'm waiting for you, may date tayo diba?"

"Eh? At bakit naman—"

"Wag ka ng magreklamo, tara na"

Hinawakan nya agad ang kamay ko at hinila. Intertwined. Pakshet na malupet. Bakit kinakabahan ako ng sobra?!

Tinahak namin ang school ground, marami rami pa ang studyante. And swear, lahat sila nakatingin samin!

Tumingin nalang ako sa ibaba at nagpahila kay Caspian, medyo nauuna sya sakin dahil ang lalaki ng hakbang nya.

"Aray!" Kaso bigla akong nauntog sa likod nya ng bigla syang tumigil sa paglalakad.

"Uy ano ba—"

Napatigil din ako ng makita sina Sierra at Damon sa harap namin. Nakaakbay si Damon kay Sierra habang si Sierra ay nakapalibot ang mga braso sa bewang ni Monchi.

How sweet! (sarcastic tone)

Aaminin ko. Nagseselos ako ngayon at hindi ko maiwasang mainis at magalit na naman.

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Caspian sa kamay ko. Mukhang hindi lang ako ang nagseselos dito.

"Hey Lou.." bati ni Damon.

Tinignan ko lang sya, hindi ko alam kung babatiin ko din sya o hindi. Medyo awkward, ramdam ko kasi ang pagtitinginan nina Sierra at Caspian. Si Damon naman ay nasa akin ang tingin.

"Hey Damon" bumati narin ako.

"Uuwi na kayo?" Medyo ilang nyang tanong at napatingin sa kamay namin ni Caspian na magkahawak.

"Oo uuwi na ako"napabitaw ako kay Caspian.

Ewan ko, pakiramdam ko ay nangangaliwa ako kay Damon kahit wala namang kami o kahit kailan ay hindi naman naging kami. Siguro malinaw parin talaga na may nararamdaman pa ako para sa kanya. Ilang linggo palang ang nakakalipas at sinadya ko na hindi kami magkatagpo sa school para kalimutan sya, kahit minsan ay hinahanap hanap ko sya.

"Anong uuwi? We're going on a date remember?" Muling hinawakan ni Caspian ang kamay ko kasabay nun ang pagsama ng tingin sakin ni Sierra.

Hindi ko sila maintindihan, bakit nagpapakita sila ng ganung reaksyon kung malinaw na may ayaw na nila sa isang tao? Nagseselos ba sya o hindi? Napakagulo nila.

✔She WritesWhere stories live. Discover now