TPM.41

931 46 19
                                    

Nasa rooftop ako ngayon, mag isa at nagmumuni-muni. Matapos ang foodtrip namin ng streefoods, dito agad ako dumeretso.

I cried, again. Pero ngayon ay nagrerelax nalang ako. I can't cry all the time, kailangan kong mag isip ng mga paraan para sa akin bumaling si Caspian.

"Oh no, the rhyme is not good enough"

Naantala ang pag eemo ko ng makarinig ng tunog ng gitara at isang pamilyar na boses.

"Keep me baby, I can show you how love-argh! Ang pangit!"

Nilapitan ko kung saan yun nanggagaling. Nagulat ako ng makita si Damon. Naka indian seat, may notebook at gitarang dala.

"Damon?"

Napapitlag sya at agad na tinakpan ang notebook nya.

"L..Louchi? What are you doing here?"

"Dito ako tumatambay. Ikaw? Anong ginagawa mo?"

"Uh.. nothing. Just playing"aniya at umiwas ng tingin.

Umupo naman ako malapit sa kanya at sinilip ang notebook nya pero lalo nya itong tinakpan.

"You're writing a song, isn't it?"saad ko.

"Y..yes actually. Pinaghahandaan ko lang yung susunod na monthly intraschool performance"nahihiyang saad nya at napakamot sa batok.

He's writing a song? Wow, that's so unusual.

"Bakit? Wala ka na bang stock ng lyrics ko noon?"sarkastiko kong saad.

"Hindi na ako tulad ng dati Lou.. susubukan ko ng gumawa ng kanta na ako mismo ang naghirap"aniya.

"Okay" aalis na sana ako ng bigla ulit syang magsalita.

"Louchi.. sorry nga pala sa ginawa ko sayo noon.."napatigil ako at tinignan sya.

"Alam kong importante sayo ang mga lyrics mo dahil yun ang nilalaman ng feelings mo, sorry kung hindi ko pinahalagahan ang nararamdaman mo sakin"

"Naka-move on na ako sa nangyari. Pero sa tingin ko... hindi parin kita napapatawad"

Nalungkot naman sya at napatingin sa sahig.

"Alam mo bang sa bawat pagsusulat ko noon, ikaw lagi ang nasa isip ko? Kahit nagkalayo tayo, nagpatuloy ako sa pagsusulat kasi akala ko may halaga ang ginagawa ko sayo. Akala ko may pag asa ako noon. Pero bakit sa lahat ng babaeng kaclose mo, ako yung hindi mo pwedeng magustuhan? Marami kang naging girlfriend pero hindi manlang ako naging isa sa mga yun. Bakit ba ayaw mo sakin?"

"Hindi naman sa ayaw kita. The truth is I am treating you as my bestfriend, palagi kang nasa tabi ko at palagi kang nakasupport sa pagtugtog ko noon. You don't know how happy I am that I have you. Pero magkaiba tayong dalawa, alam kong mayaman ka, isang heredera, malaki ang pagitan nating dalawa. Iba ang magiging landas mo kesa sakin, kaya mas pinili ko nalang na maging kaibigan mo. Yun ang totoo Louchi.."

"I..ibig sabihin.. dahil lang sa mayaman ako kaya binalewala mo ang feelings ko?"

"Oo-aray! Bakit naninipa?!"

"Stupido!"singhal ko.

"Kahit may kaya kami, hindi parin kita pwedeng i-pursue. Kilala ng magulang ko ang pamilya mo, sabi nila ikaw lang ang nag iisang heredera ng mga Lacosta kaya malamang may nakatakda ng ikasal sayo"

"Pero.. kung hindi ba ako isang Lacosta magugustuhan mo ko?"

Gusto ko lang malaman kung may pag asa ba ako o meron kung sakali. Nagustuhan ko sya noon, malamang curious din ako.

✔She WritesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon