TPM.10

931 40 4
                                    

Nakatingin sakin ang lahat habang ako ay naestatwa sa upuan ko. Err.. bakit ako pa ang mauuna?

"Ms.Olivar?" Tinaasan ako ng kilay ni Sir.

"Kaya mo yan!" Bulong sakin ni Kate.

Napabuntong hininga tuloy ako at tumayo.

"Just describe your mood through singing. Come on, you can do that"sir encourage me.

"Pwede po bang gumamit nito?"tanong kay Sir at tinuro ang gitara sa hawak ng kaklase kong lalaki.

"Of course! Pwedeng pwede"he smiled.

Sinenyasan ko naman yung kaklase ko na kung pwedeng hiramin yung gitara, binigay naman nya agad.

"You can play it? That's nice."he whispered.

Ngumiti nalang ako at sinuot yung guitar nya.

Describe my mood right now huh? Isang kanta lang ang makakapagsabi ng nararamdaman ko ngayon, ang kantang nagpapa alala sakin kung gaano ako ka hopeless pagdating sa taong minamahal ko.

I started to strum the guitar.

"I am at the corner, always looking at you. I see your eyes shining but its shine's not for me"

Monchi...for the past few years, hindi manlang ako pinaglaanan ng mga magagandang mata mo. Ni minsan hindi ito kumislap para sakin.

"I like your smile and your laugh is amazing, even if those are... not for me"

"As you passed by my eyes are always on you and hoping for you to look back at me too.."

"Cause you know I like you.. but you don't..."

"And everyday I miss you but you don't..."

"I always dream of you but still you don't.."

"Did you know? That I like you but you don't feel the same like I do...woahh.. you don't feel the same like I do.."

Natapos ako sa pagkanta ng biglang pumalakpak sila. Napangiti ako habang nahihiya.

"Relate na relate ah.."

"Patama naman yung kanta mo Loui! Kainis ka!"

"Ang ganda! Tamang tama sakin na hindi manlang pinapansin ni crush! Huhu!"

Bumalik na ako sa upuan ko na medyo nahihiya. Sa totoo lang yun ang kantang isinulat ko 2 years ago. Yung kantang nagpapaalala sakin ng sakit na dulot ni Monchi sakin noon pa man. Nung mga panahong, may girlfriend sya habang ako ay umaasa parin na mapapansin nya.

"Huy Lou, hindi familiar yung kantang yun. Pero infairness ang sakit sa puso ah!" Mahina akong tinabing ni Kate sa braso.

Napailing nalang ako. Never ko kasing ipinarinig sa iba ang mga kantang isinulat ko, hindi ko akalaing magugustuhan nila.

Nagperform narin ang iba kong mga kaklase. Habang ako ay tahimik na nakikinig lang. Naramdaman ko na kanina pa may nakatingin sakin.

Napatingin ako sa gilid ko at nahuli ko si Caspian na nakatingin nga sakin ngunit bigla syang umiwas agad.

Napataas nalang ako ng kilay at hindi na sya pinansin. Problema nun? Bakit kanina pa sakin nakatingin?

Nakaraos naman ang afternoon class ko. Kinukulit pa ako ng mga kaklase ko kung anong title ng kinanta ko kanina at i-do-download daw nila. Wala naman akong masagot dahil hindi ko naman isinasapubliko ang mga kantang ginawa ko. Nakakahiya.

✔She WritesWhere stories live. Discover now