TPM.23

913 41 12
                                    

Rank 1: Only A Dream
Artist: Lovesickers
Description:
Composer and Arranger : Zach
Lyricist: Star

"Cheers!"

"Yeah cheers!"

Nasa Ktv bar kami ngayon. Nag c-celebrate ng pagiging rank 1 nila this month. Oo, rank 1 ang Lovesickers at pumapangalawa ang WildInnocents.

Matapos i-release ang studio version ng bagong kanta nila ay marami agad ang nagdownload at nakinig sa stream.

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong saya. Ngayon lang ako sumaya ng ganito dahil sa achievement ng ibang tao.

"Loui kumanta ka naman!"
Binigay sakin ni Axel
yung mic pero tumanggi ako. Ayoko masakit lalamunan ko haha.

"Ang KJ!!" Ani ni Cooper.

"Ako nalang! Sagot kita Loui!" Inagaw ni Kate ang mic at sya na ang kumanta.

Hindi nga lang ganun kaayos, medyo nakainom na kasi ang isang 'to.

"Ano ba yan, bawal na nga uminom hindi pa kakanta"saad ni Axel. Ang pungay na ng mata nya, halatang may tama rin.

"Kasalanan ko bang may allergy ako?"

"Shino bang nag imbento ng allergy na yan?! Dalhin nyo ditoo!!"biglang suminghal si Kurt mula sa kinauupuan nya.

"Honeybunch kalma! Natitimang kana dyan" Si Janelle naman ay tatawa tawang pinaupong muli ang kasintahan.

Si Kurt kasi ang pinakalasing sa kanila. Akala mo mauubusan ng alak.

Pinagmasdan ko kung gaanon kasaya ang bawat taong kasama ko ngayon. Nakakahawa ang ngiti nila. Kahit hindi ako umiinom o nakikikanta sa kanila ay na eenjoy ko parin ang paligid. Ang kukulit kasi ng mga 'to.

"I love it when you call me Señorita
I wish I could pretend I didn't need you"

"Takte kapatid ko ba yang kumakanta? Busalan nyo nga ng bibig! Ang ingay!"asik ni Kurt.

Tawa kami ng tawa sa kanya, kanina pa sya nagsasalita ng kung ano ano. Ganito pala sya pag nalalasing, nababaliw!

"Loui.. thanks for all your help" tinapik ako ni Kurt sa balikat. Kahit lasing mukhang may matino parin naman syang sasabihin.

Napangiti ako.

"You're welcome"

"You saved our band Loui!"ngumiti sakin si Cooper.

"Aylabyu na Loui!!" Si Axel naman ay niyakap ako ng mahigpit.

Lasing na ang mokong.

"Aray!" napalayo sakin si Axel ng tabigin sya ni Caspian paalis at tumabi sakin.

"Ito naman ang possessive oh!"asar ni Axel.

"Jerk" saad ni Caspian. Nahuli ko pa ang pag ikot ng mata niya. Natawa ako ng mahina.

"Lasing kana?" Tanong ko sa kanya.

Tinignan nya ako at umiling iling. Mapupungay na ang mata nya, lasing narin ang isang 'to.

"Wag kana uminom, paano ka uuwi nyan?"

Tinaasan nya ako ng kilay.

"Ano pang silbi mo?"

"Aba? Ano ako tagahatid mo?!"

Tumawa naman sya at pinitik ang noo ko.

"Aray! Ano bang problema mo?!"

"None. Just my face, it's so handsome"loko lokong nyang saad at ngumisi pa.

Aba? Kapag nalalasing humahangin pala ang Anderson na 'to.

✔She WritesWhere stories live. Discover now