TPM.11

874 39 6
                                    

"She's allegic to alcohol. Binigyan na namin sya ng gamot. Pero sa susunod, wag mo ng papainumin ang girlfriend mo okay?"

Nagkatinginan kami ni Caspian dahil sa mga huling salitang sinabi ng doctor. Tumungo nalang sya bago iwan ng doctor.

"You didn't say that you have allergy"he said.

"Hindi ko din alam"sagot ko.

"Alright. It's my fault, I made you drink that. I'm sorry" mukhang naguilty naman sya at bumuntong hininga pa ng sobrang lalim.

Mabuti at naidala agad ako ni Caspian sa ospital ng matumba ako. Tulad nga ng sabi ng doctor, allergic daw ako sa alcohol na ngayon ko lang nalaman. Hindi naman kasi ako umiinom dahil pinagbabawalan ako noon, kaya pala hindi ako pinapayagan na uminom kahit tikim bawal.

"Okay na ako. Atleast nalaman ko na bawal pala ako sa alak"

Hinatid ako ni Caspian sa bahay, nakakahiya at masyado ko na syang aabala ngayon gabi.

"Sorry kung naabala na kita. At salamat sa pagresponde sakin sa ospital"saad ko ng makababa.

"You're living alone?" Imbes na sa akin ay nakatingin sya sa bahay ko.

Napansin nyang wala pang ilaw sa loob at walang tao.

"Oo, medyo malayo kasi yung ospital kung saan nag w-work ang papa ko. Hindi nya kaya ang uwian"sagot ko.

"Alright. Go inside now"

Tumungo tungo naman ako at ngumiti.

"Sige bye" sabi ko at tumalikod na.

"Wait" napalingon ulit ako ng tawagin nya ako.

"Here's my number. Call me if anything comes up"

Tinanggap ko naman ang card na inabot nya pero hindi nya yun agad binitawan.

"You're lucky to have this. Wag mong ipagkalat ah"

Sinamaan ko sya ng tingin, sya naman ay ngumisi pa at natawa ng mahina.

"Kapal nito"inis na sabi ko.

"Babe, call me okay?"he grinned and tease me.

"Babe mo mukha mo! Umuwi kana nga!" Pagtataboy ko at pumasok na sa loob ng bahay.

Narinig ko parin ang tawa nya pagkasara ko ng pinto. Napansin ko nalang ang sarili kong nakangiti habang nakatingin sa card na hawak ko.

"Babe daw.. mukha mo"bulong ko habang nakangiti.

Bakit ba ako nakangiti, in the first place?

"Teka? Pano ko sya matatawagan kung wala akong phone?! Argh, Caspian!"

*
The next day, medyo na-late ako ng pasok. Dahil bukod sa medyo late na ako ng gising ay gumawa ako ng muffins para kay Caspian.

Don't get me wrong. Pasasalamat ko lang 'to sa kanya dahil sa nangyari kahapon. Nakakahiya naman kasi, ang mahal ng dinner namin tapos nagbayad pa sya sa ospital kaya gusto ko manlang bumawi kahit papaano.

Pag pasok ko sa room ay wala sya doon. Pumasok man akong late ay wala sya, kahit sina Kurt, Axel at Cooper.

"Kate? Nasaan ang Lovesickers?"

"May meeting sila ngayon sa studio. Kaya excuse sila hanggang lunch"

"Ah.." napatungo nalang ako.

Siguro mamayang lunch ko nalang ibibigay 'tong muffins. Natapos ang first half ng klase, nagpaalam lang ako saglit kay Kate para ibigay ang muffins. Binigyan ko din naman sya kaya tuwang tuwa ang babae.

✔She WritesWhere stories live. Discover now