TPM.30

1K 40 7
                                    

Dedicated to: Planettae

Thanks to this beb, na palaging nasa notif ko, really appreciate your support a lot :) Luvyahto!

Requested plug: Xhierra_writes

Follow her and visit her acc. Ty. :)
°

As his lips met mine. Walang kahit anong pagtutol akong naramdaman. Halos limang segundo lang ang pagdampi ng labi nya sakin bago sya dumistansya ng sobrang liit.

"Akala mo nalimutan ko na no?" He said while grinning.

We're still an inch close at magkadikit pa ang point ng ilong naming dalawa.

Hindi naman ako makapagsalita, my heart is beating so fast more than triples times. There I realize how he really affects me so much. Every touch of him electrified me everywhere, even his gaze makes me stunned and admire those pretty and tantalizing eyes.

Hindi ko maitatanggi na nagustuhan ko ang ginawa nya, and even myself keep asking for more, which I did.

Hinalikan ko sya, yes I insisted. And he didn't disappoint me at all dahil nang idampi ko ang labi ko sa kanya ay agad syang tumugon.

Very gentle... light and soft kisses, yun ang pinagsaluhan namin. Naramdaman ko ang marahang paghaplos nya sa pisngi ko papunta sa batok ko upang mas lumalim pa ang matamis na halik. Ang isang kamay nya ay pinalibutan naman ang bewang ko.

Nagkusa narin ang mga kamay ko na yumakap sa leeg nya. Ilang minuto na kami sa ganitong posisyon at wala ni isa samin ang ayaw bumitaw sa paghalik. Bawat pag hilig ng ulo nya at pagtanim ng matamis nyang halik sa labi ko ay nagdulot ng matinding sensasyon sakin. Isang sensasyong nakakapagpabaliw sakin ng sobra.

Ang puso ko ay nagpupumintig lalo, kasabay nun ang milyun-milyong paru-paro na ginugulo ang nananahimik ko ng tyan.

Mabilis kong naikumpara ito sa mga halik namin noon ni Caspian. This one is tender and more like sensual and passionate. Like there is... there is a romantic feeling between us.

"Are you sure nandito sila? Baka naman nasa loob ng mansion?"

Nakarinig ako ng boses, boses ni Olivia. Sinubukan kong luminga ng konti ngunit kinontrol ni Caspian ang ulo tila ayaw bumitaw sa paghalik. Mas humigpit ang pagkapit nya da bewang ko na para bang ayaw nya akong pakawalan.

"I'm sure about it! Nakita kong tumakbo sila papunta dito!" Narinig ko naman ang boses ni Courtney.

Ngunit ako na ang mismo ang bumitaw at naging alerto sa paligid nang makarinig ulit ng boses. Nilibot ko ang paningin ko at nananalangin na sana ay hindi kami makita.

"Sabi ko na sayo hahanapin nila tayo!"ani ko kay Caspian na ngayon ay nakatitig lang sakin.

May pagtatanong sa mga mata nya ngunit mas dominante ang di ko maipaliwanag na pagkislap sa mga mata nya—na parang ang ibig sabihin ay katuwaan o pagkamangha?

And there I realize what I did earlier. Omg, I just insisted a kiss! Naramdaman ko ang pamumula sa mukha ko at agad na umalis sa kandungan nya.

"M..mabuti pa bumalik na tayo. Nag aalala na ang lola at papa ko"pilit kong iniwasan ang mga tingin nya. Pero nakikita ko sa peripheral ko na nakakurba ang mga labi nya.

"Sure. Let's go"aniya.

Nauna syang lumabas at sumunod naman ako. Good thing ay nauna sya dahil binabalot ako ng kahihiyan ngayon! Hindi ko na alam kung paano ko pa sya kakausapin dahil panigurado ay magiging awkward ako sa harapan nya!

✔She WritesWhere stories live. Discover now