TPM.6

884 39 1
                                    

Pareho silang napatayo ng makita kami.

"Zach.."

"No. Don't say anything Sierra, what I saw is enough for me to realize that you were cheating behind me"malamig na tugon ni Caspian.

"You're cheating too!"napataas ang boses ni Sierra dahilan para mapakunot ang noo ni Caspian.

"Really? Huh?" Sarkastikong sagot nya.

"Akala mo ba hindi ko alam?! You're cheating on me! With her!" Sigaw nya at tinuro pa ako.

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Nagtama ang tingin namin ni Monchi, tinitigan nya ako ng matagal. Walang emosyon ang mga mata nya, hindi ko na nakikita ang concern nya sa akin katulad noon.

Bakit bigla syang nagbago? Anong nangyari sa Monchi na kilala ko noon?

"Stop playing the victim Sierra. You know who's the cheater here. I am so diappointed about you" seryosong saad ni Caspian at tumalikod na para umalis.

Iniwan nya akong nakatayo parin sa harap ng dalawa. Hindi ako makagalaw, hindi ko alam ang gagawin.

Alam kong immune na ako sa sakit na ito, pero naluluha parin ako. Sinusubukan ko na ngang tumingin sa kisame para hindi bumagsak ang luha ko.

Maraming beses na itong nangyari, alam kong wala akong karapatang magselos, pero masaktan oo. Gusto ko si Monchi noon pa man, pero kahit isang beses hindi nya manlang sinuklian ng parehong damdamin na binibigay ko sa kanya.

"M..Monchi.." nabasag na ang boses ko.

Sinalubong ni Monchi ang tingin ko pero wala parin syang emosyon. He's cold, he's so cold to me. Why?

Hindi nya ba gusto na nandito ako? Ayaw nya na ba akong makita? Bakit hindi nya manlang ako kausapin ng maayos?

"At ikaw? Aagawin mo rin sakin si Damon ha? Malandi ka-"

"Don't you dare touch her Sierra" pagbabanta ni Monchi bago pa makalapit sakin ni Sierra.

"Pati ba naman ikaw?! What's so special about her?!"inis na sabi ni Sierra.

"Lou.. go back to class.. lunch time is about to over"mahinahong saad ni Monchi.

"Monchi.. g..gusto kitang makausap. Hindi mo manlang ba ako kakausapin? Ilang taon na-"

"Ano ba?! Hindi ka ba nakakaintindi?! Umalis kana!" Sigaw ni Sierra.

"I wanted to talk to him! Bakit ba umeepal ka?!" Napasigaw narin ako kay Sierra sa inis.

"Ako pa talaga?! You are the one who-"

"Stop the two of you!!"sigaw ni Monchi.

"Damon, sabihin mo sa fangirl na yan na umalis na. Or else ako ang aalis dito!"humalukipkip si Sierra at inirapan pa ako.

Napatingin ako kay Damon at nakiusap sa kanya na makipag usap sakin sa pamamagitan ng mga tingin pero umiwas lang sya ng tingin sakin.

"Lou.. please go to your class" malamig na saad ni Monchi.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at tuluyan ng pumatak ang luha ko dahil sa sinabi nya.

Ganun nalang yun? Hindi manlang nya ba ako kakausapin? Parang itinapon nya lang lahat ng pinagsamahan namin noon!

"P..Pero Monchi.."

"Ano ba! Sabing umalis kana!!" Sigaw ni Sierra at tinulak ako bigla.

"Sierra! Don't hurt her!" Nilapitan agad ako ni Monchi.

Sa sandaling yun ay gusto ko syang yakapin. Gusto kong iparamdam na hanggang ngayon ay sya parin ang nilalaman ng puso ko. Pero pinipigilan ako ng mga tingin nyang blangko.

✔She WritesWhere stories live. Discover now