DLTIS: Second Life

2.9K 91 11
                                    

"And the artist of the year award goes to... Pledis' SEVENTEEN!"

Halata ang magkahalong pagkabigla at saya matapos i-announce ang pangalan ng nanalo ng artist of the year. Lahat kami ay hindi makapaniwala na pangalan ng grupo namin ang binanggit ng announcer at lahat ng tao ngayon sa loob ng hall ay nakatingin sa kinaroroonan namin habang panay ang palakpak.

"Go, nanalo kayo." pagtataboy sa amin ni mommy Mildred na umakyat ng stage. Alam ko personally na may alam siya dahil hindi na ito nagulat pa, niyakap lang niya ako at saka sinabi kung gaano siya ka-proud sa amin, sa akin.

Isa-isa kaming nag-akayatan sa stage. Nauna na si S.coups na siya ring tumanggap ng trophy king saan nakasulat ang pangalan namin bilang artist of the year. Masaya ang lahat, halos parang nakalutang kami sa sobrang saya dahil matagal na naming ginustong makuha ang award na ito kahit noon pa.

Nagsalita si S.coups at nagpasalamat sa mga taong naroon, sa mga sumuporta sa amin at sa mga fans na walang sawang nagmamahal sa buong grupo. Sumunod na nagsalita si Joshua na nagpasalamat naman sa international fan namin, sina Jun at The8 ay ganoon rin ang ginawa. Mayamaya pa ay hinila ako ni S.coups at sinabihan magsalita, wala na akong masabi dahil sa nabanggit na nila ang lahat pero sa huli ay wala na akong nagawa kung hindi ang manatili sa harapan ng mikropono.

"Una sa lahat, thank you for giving us this award and for making one of our dreams come true. Mommy Mildred and the rest of our team, thank you for believing in us and for risking everything for our group, we promise to do our best to make you proud. Sa mga fans na walang sawang sumusuporta, mahal na mahal namin kayo, lahat ng ito ay dahil at para sa inyo. And lastly, to that one special person who will always have a special place in my heart, thank you... for making me who I am today."

"Ladies and gentlemen our artist on the year, SEVENTEEN!"

Sabay-sabay kaming yumuko bilang paggalang at pamamaalam bago bumaba ng stage. Hanggang sa likod ay walang tigil ang pag-congratulate sa amin ng mga tao ganoon rin ng ilang artist na naroon.

Pagkatapos ng awarding ng artist of the year ay natapos na rin ang programa. Hanggang sa makalabas kami ay hindi pa rin napapatid ang pasasalamat at pagbati sa amin. Kahit pa nagkahiwa-hiwalay na kami dahil sa iba'tibang tao at media outlet ang gusto kaming makausap.

Ako at ang buong vocal unit ay iniinterview ng isang showbizz news reporter sa isang bahagi ng venue kung saan kasalukuyang ginaganap ang after party ng awards night. Noong una ay ako pa ang sumasagot sa ilang tanong na ibinabato nito ngunit natigilan ako nang may mapansin akong pamilyar sa di kalayuan.

"Jeonghan?"

"H-huh? A-ano nga ulit iyong question?" sabi ko nang hindi ito tinitignan,nakatuon ang paningin ko sa isang bahagi ng lugar na iyon at malinanaw kong nakikita si...

"Who was that sepacial person you mentioned during your speech? Is she a girl?"

"H-ha?" doon na ako tumingin dito tapos ay binalingan ko na sina Woozi at Joshua.

Tumango lamang ang mga ito at saka kinuha ang atensyon ng reporter na kausap namin. Iyon na ang hudyat ko para umalis.

Tumakbo ako sa lugar kung saan ko siya nakita kanina, hindi ako pwedeng magkamali. Si Kalilah ang nakita ko, nandito siya. Pero pagdating ko roon ay wala na ito at ibang tao na ang naroon. Hinanap ko siya sa buong paligid, paminsan-minsan ay natitigilan ako dahil sa mga bumabati sa akin tapos ay magpapatuloy na hanapin siya.

"May hinahanap ka ba?"

Natigilan ako nang marinig ko ang boses na iyon mula sa likuran ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa kilala ko ang tunig ng boses na iyon at sapat na ang pakiramdam na ibinibigay nito sa akin upang matukoy ko kung sino siya.

Don't Listen To It Secretly (Wattys 2020 Winner)Where stories live. Discover now