Chapter 41: What's Next

514 15 0
                                    

-----

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-----

"Hyung,"

Napalingon ako nang marinig ko ang pagtawag sa akin ng isang pamilyar na tinig. Malayo pa lang ay ilang ulit ko nang narinig ang pagtawag niya sa akin kaya huminto na ako.

"Seungkwanie."

"Hyung! Kailan ka pa dumating, bakit hindi ka man lang nagsasabing uuwi ka pala." sabi pa niya nang malapitan ako.

"Kahapon, dumiretso kasi ako sa bahay nina Mama Mildred. Bakit?"

"Bakit? Parang galing ka lang sa probinsya kung magtanong ng bakita ah?" May himig ng pagtatampong sabad naman ni DK nang makalapit din ito sa akin.

Natawa ako dahil para itong bata na lumapit sa akin upang kunwari'y hampasin ako. Umiwas ako, pagkatapos ay niyakap ito para aluin.

"Sorry na, wag ka nang magtampo. Huwag na kayong magalit."

"So dapat ba matuwa kami?" Si Hoshi naman ang nagsalita sabay akbay sa akin.

"Depende, kung gusto niyong sumama sa akin para kumain."

"Sus, iyon lang naman pala eh. Welcome back, Jeonghan-hyung! Namiss ka namin!" sabi pa nito sabay yakap sa akin ng mahigpit.

"Teka nga, teka nga! Magtatagal ka ba rito, o mag-i-stay ka na for good?"

"Hindi ko pa alam eh. Depende siguro."

"Depende saan?"

"Nasaan iyong iba?" Sa halip na sagutin ang tanong ni DK ay nilihis ko ang topic namin.

Agad namang sumagot si Hoshi at sinabing papunta pa lang ang mga ito para sa bagong album na gagawin ng grupo namin.

"Bagong album?"

"Oo, kausap namin si Woozi-hyung." Naglalakad na kami nang si Seungkwan naman ang nagkwento. "May mga bago siyang kanta na ginawa at nakausap niya si Ms. Mildred. She agreed that its best na mag-release ng album ngayon dahil maganda ang reception ng fans doon sa last na ginawa natin." paliwanag ni DK matapos nitong kunwari ay magtampo. "Would it be possible na kaya ka nandito dahil alam mo na ang mangyayari?"

"Pero hindi ba ang usapan ay next year pa ulit tayo maglalabas ng bagong album? Bakit ang bilis naman atang magdecide ni mommy Mildred ngayon?" nagtatakang tanong ko sa kanila, hindi rin kasi kami nag-abot sa bahay kaya hindi ko alam ang plano niya o ang napag-usapan nil-.

"May problema ba, Hyung? Natigilan ka?" mayamaya ay tanong sa akin ni Seungkwan.

Hinawakan pa ako nito sa balikat dahilan para mabalik sa mga ito ang atensyon ko.

Kunwari ay natawa pa ako bago muling nagsalita. "W-wala, may naalala lang ako. Pag-usapan na lang natin mamaya, kailangan ko ring tanungin si Woozi. Honestly, I just took a week of leave then I have to go back dahil marami ring ginagawa roon. Pero may biglang nangyaring so... I think I have to stay longer than one week."

Don't Listen To It Secretly (Wattys 2020 Winner)Where stories live. Discover now