DLTIS 28: Not Again

548 20 0
                                    


-----

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-----

Sa halip na dumiretso sa condo upanumuwi ay tinawagan ko si Joshua, mag-aalas dose na ng hatinggabi ngunit wala pa sa isip ko ang magpahinga dahil sa dami ng tumatakbo sa isip ko.

Ang daming tumatakbo sa utak ko at hindi ko maiwasang maiinis dahil pakiramdam ko ay napakahina ko. 

"Gabing-gabi na, anong naisip mo at nagyaya ka pa rito?" nagpalinga-linga si Joshua upang tumingin sa paligid, he's not the type of person na basta mo na lang mahihila lalo na kung oras na ng pamamahinga niya. But he was here, probably dahil alam niya ang dahilan ng pagkakaganito ko.

Ngumiti lamang ako sa sinabi niya, hindi ko na kailangan pang magsalita para lang malaman niya kung bakit ko siya niyayang lumabas.

He knows everything.

"Huwag ka nang magsalita, huhulaan ko. It's Kalih, right?" marahan siyang umakbay sa akin at bahagyang lumapit para bulungan ako. "Nasabi mo na ba?"

Lalo lang akong natawa sa sinabi niya, isa iyong mapait na tawa na alam kong alam niya kung para saan. 

"Huwag ka na lang ulit magsalita, huhulaan ko ulit. Hindi pa, tama ba?"

"It's better this way? We're better off like this." tinungga ko ang bote ng beer na nasa harapan ko at muli akong nanahimik.

I heared Joshua heaved a sigh, alam ko ang ibig sabihin noon at kailangan ko na namang ihanda ang sarili ko para sa mga sasabihin niya. 

"Then stop," he looked at me straight into my eyes, seriously giving looks na alam ko kung para saan.

Iyong mga klase ng tingin na may ibig sabihin. 

Joshua is known to be the soft and quiet person, kapag kasama namin ang ibang miyembro hindi siya iyong tipo na umaakto na isa sa pinakamatatanda. He plays with them and make sure that there was never any dull moment.

Pero kapag kaming dalawa na lang, he can be serious most of the time. He'll start talking at sasabihin niya ang lahat ng gusto niyang sabihin sa akin, lalo na kung tungkol iyon sa nararamdaman ko para kay Kalih.

Wala siyang filter at madalas ay siya iting nagpapaintindi sa akin kung gaano kahirap ang pinili kong sitwasyon.

"Hindi ka ba napapagod?"

He knows everything, wala akong hindi sinasabi sa kanya. Simula umpisa pa lang na makaramdam ako ng pagkagusto kay Kalilah hanggang ngayon, alam niya ang lahat at naiintindihan ko kung para saan ang klase ng mga tingin na ibinabato niya sa akin.

"Pwede mo bang turuan 'to para tumigil?" I pointed at my chest where my heart is. 

Nanatili lamang siyang nakatingin sa akin. Tapos ay siya naman ang tumungga ng bote ng beer nahawak niya.

Don't Listen To It Secretly (Wattys 2020 Winner)Where stories live. Discover now