DLTIS 4: I am Okay

2.4K 81 75
                                    

-----

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-----

Hindi ko alam kung paanong nangyari ngunit literal kong nilipad ang distansiya ng pagitan ng kinaroroonan ni Kalih mula sa pintuan ng silid nito. Nabungaran kong wala itong malay na nakahandusay sa carpeted na sahig habang si mama Mildred naman ay walang tigil sa paggising sa kanya. Wala pa rin siyang malay hanggang sa buhatin ko na siya pabalik sa higaan niya.

Wala pa rin siyang malay kahit na ilang ulit ko nang marahang tinapik ang pisngi niya, bumanhon ang pamilyar na kaba sa dibdib ko nang hindi man lang siya natinag. Tinignan ko ang mukha niya, namumutla iyon at halos wala ng kulay.

Marahan ko siyang inilapag sa kama niya matapos buhatin, samantalang si mommy Mildred naman ay hindi na rin alam ang gagawin. Nagpaalam ako rito at nagsabing kukunin ko ang susi ng kotse para madala na si Kalih sa ospital ngunit nang patayo na ako ay biglang may kamay pumigil sa braso ko.

Tinignan ko si Kalih at nakitang hawak niya ang braso ko sabay nagmulat ng mata.

"A-anong nangyari?" Mahinang sabi niya sa akin. Her vpice spunds so weak kaya lalo lang iying nkaadagdag sa pag-aalala ko.

"Dadalhin ka namin sa ospital."

Si mama Mildred na ang sumagot sa kanya, hawak pa rin niya ako sa kamay kaya kumilos ako upang marahang palisin iyon. Kailangan niyang madala sa ospital, bago pa may mangyari sa kanya.

"Huh?" Otomatikong mabilis siyang bumangon mula sa pagkakahiga na siya ko namang inalalayan.

Binalingan niya ang nag-aalalang si mommy Mildred at saka siya nagsalita.

"Ma, a-ayos na po ako. Huwag na po kayong mag-alala." pagmamatigas niya.

Muling nakiusap ang mama niya sa kanya ngunit ganon pa rin ang pagtangging ginawa ni Kalilah.

"Let's go to the hospital, hija. Para makasiguro tayo na okay ka lang talaga."

"Okay lang po talaga ako." Kasabay noon ay isang pilit na ngiti ang pinakawalan niya sa amin upang marahil ay kumbinsihin kami sa mga sinasabi niya.

Sa huli ay tinignan niya ako, na para bang nagpapasaklolo. At katulad ng dati naming ginagawa ay dalawa na kaming kumumbinsi sa mama niya.

Napilitan akong sundin ang gusto niya at ako na ang kumumbinsi kay mommy Mildred na ayos lang siya. Isang mahinang buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako muling bumaling dito at saka hinaplos ang likod nito.

Ginawa ko ang lahat ng magagawa ko upang kumbinsihin ito na huwag nang pilitin na dalhin sa ospital si Kalih. At kahit pa labag pa iyon sa kalooban ko ay ako na ang nagbigay dito ng assurance na dapat maniwala kami kay Kalih.

"Jeonghan, huwag mo nang pagtakpan si Kalilah. We all know na hindi siya okay at nakita natin iyon kanina, ano ba?"

"S-she's okay, mom. I'll take care of her, babantayan ko siya at kapag nakita kong hindi mabuti ang lagay niya ay ako na mismo ang magdadala sa kanya sa ospital."

Don't Listen To It Secretly (Wattys 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon