DTLIS 5: What's happening?

2.2K 73 105
                                    

-----

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

-----

I've been trying to reach Chinee matapos kong mabasa ang article tungkol kay Jinyoung kanina. I tried calling her several times already but she's not picking-up and that kept me worried the whole day.

I know what Jinyoung means to her at alam kong hindi magiging maganda ang epekto ng article na iyon sa kanya. Binalak ko sana siyang puntahan sa WM ngunit ang balita ko mula kina Channie ay mas madalas na nasa university ito kaya malamang na hindi rin kami magkikita.

I heaved a heavy sigh, simula nang mabasa ko ang article na iyon patungkol sa kay Jinyoung ay hindi na ako halos mapakali.

Natigilan lamang ako sa pag-iisip nang makita kong pumasok si Woozi mula sa pintuan ng recording booth kung saan kanina pa ako naroon. Mabilis kong itinago ang cellphone na hawak ko sa bulsa ng suot kong pantalon at mabilis na ngumiti upang batiin siya. Gumanti naman ito ng ngiti na halos gumuhit na lang sa mga mata niya ang kita.

He always looks adorable at kahit pa minsan ay ayaw nitong aminin ay natural sa kanya ang pagiging cute.

"Bakit ganyan ka makangiti sa akin, Kalih?" tanong niya sa akin habang tinitignan ko siya.

Umiling lang ako at saka itinuon ang tingin sa papel na nasa hawak ko. "Wala naman, may naalala lang ako."

Napakaswerte ko sa mga kaibigan ko dahil alam ko, hindi man nila sabihin ay alam kong grabeng suporta ang ibinibigay nila sa akin lalo na ng buong grupo nina Woozi at Jeonghan. Lahat halos sila ay malapit sa akin at kahit na hindi pa ako nagsasalita ay mabilis nilang nababasa ang nasa loob ko.

Palagi nilang ipinaaalala sa akin na hindi ako nag-iisa at na kahit ano pang pagdaanan ko ay nandiyan lamang sila para sa akin.

"Magaling ka na ba? Are you sure that you can do this?" hindi maiwasang mag-alala si Woozi na hinawakan pa ang noo ko upang siguruhing wala na akong sakit.

Nabalitaan niya ang nangyari sa akin dahil na rin sa kadaldalan nila DK at Seungkwan na ipinamalita pa sa lahat na may sakit ako, sa kabila ng pagkiusap ko kay Jeonghan na huwag ng magkwento sa mga ito.

"Ayos na ako. Wala naman akong sakit." masiglang sabi ko sa kanya.

"So ano? Bakit pala dinala ka sa clinic kung wala kang sakit? Nag-shopping?"

Tinignan ko lamang si Woozi at hindi na ako sumagot pa. Mahirap makipagtalo sa kanya lalo na kapag seryoso na siya.

May mga pagkakataong lumalabas ang pagiging sarkastiko sa personalidad nito, bagay na siya ring angal ng ibang ka-miyembro niya.

Mayamaya pa ay naupo na siya sa swivel chair sa tabi ko at saka sinenyasan akong pumuwesto ba sa loob ng recording booth. Agad naman akong sumunod, naglakad ako patungo roon at inayos ang headphone sa tenga ko. Inayos ko rin ang mic para maitapat iyon ng maayos sa bibig ko at saka ko hinintay ang pagpasok ng entrada ng kanta.

Don't Listen To It Secretly (Wattys 2020 Winner)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant