DLTIS 3: Her Pain

3.6K 100 98
                                    

-----

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-----

I decided to drive Kalih home. She looked exhausted at ang pinakakailangan niyang gawin ay ang magpahinga. Hiniling kong sana ay ako na lang ang nasasaktan at hindi siya, I hate seeing her in despair at ang kinaiinis ko pa ay nasasaktan siya nang dahil sa mismong taong pinili niya.

Nang mga sandaling iyon ay gusto kong hagilapin si Baro kung nasaan man siya naroon, gusto kong ipamukha sa kanya ang ginagawa niya kay Kalih at iparamdam sa kanya ang lahat ng sakit na ipinaparamdam niya rito. Gusto kong makita niya ang resulta ng ginagawa niya, if only he could see how much pain he is giving to her, baka mahiya man lang siya kahit papano.

Binalingan ko ng tingin si Kalih nang ihinto ko ang sasakyan, nahihimbing na itong kasalukuyan habang nakaupo sa passanger's seat ng kotse na para bang walang nangyari. Na para bang hindi siya umiyak kanina.

Hahawiin ko sana ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha niya nang matigilan ako sa bahagya niyang paggalaw, bumaling siya paharap sa akin at saka muling nahimbing. Lihim pa akong napangiti sa kainosentehan ng itsura niya habang natutulog.

Habang tinititigan siya'y doon ko muling naalala ang itsura niya kanina, kung paanong unti-unting rumehistro ang sakit sa mga mata niya matapos niyang makilala ang babaeng kasama ni Baro sa mga larawan na nagkalat ngayon sa social media. 

Kahit hindi siya magsalita ay alam kong nasasaktan siya, alam kong nahihirapan siyang makita ang mga nakita niya kanina at kahit hindi niya sabihin ay nahihirapan siya sa sitwasyon niya.

Aside from being with her sister, Yoonji. Baro is also with Alexene Seo, the model turned actress na kasalukuyang nauugnay rito dahil na rin sa pinagsamahan nilang proyekto. Alam ko ang nature ng trabaho namin at naiintindihan kong paminsan-minsan ay kailangan palabasin sa mga taong parang totoo ang lahat ng nangyayari pero sa tingin ko ay sobra na ito. Kabikabila ang mga articles na naglalabasan tungkol sa pagiging malapit nila sa isa't isa na kahit ako ay hindi ko na rin alam ang totoo. Nag-aalala ako para kay Kalih higit kanino man, ngayong malinaw na sa akin kung paano niyang tinatanggap ang lahat ng ito ay lalo lumakas ang kagustuhan kong alagaan at protektahan siya.     

Naalala ko pa noong sinabi niya sa akin na na-cast si Baro bilang lead sa isang drama, nakita ko ang excitement niya para rito pero hindi rin nakaligtas sa akin ang namuong pag-aalala sa mga mata niya. Pero dahil alam kong mas lamang ang pagmamahal niya rito ay buong puso niyang tinanggap ang lahat, hanggang sa umabot na sa ganito.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanilang dalawa pero isa lang ang malinaw na nakikita ko, she's not okay.

Muli kong nakitang gumalaw si Kalih dahilan para mawala sa pagkakasandal ng maayos ang ulo niya. Marahan akong kumilos upang ayusin ang ulo niya at ibalik ito sa maayos na pagkakasandal sa headrest ng upuan, bahagya ko pang ni-reclined sandalan ng upang mapirmi ito roon at dahan-dahang inihilig ng maayos ang ulo niya pagkatapos. Para siyang bata, at wala akong ibang gustong gawin nang mga sandaling iyon kung hindi ang bantayan at alagaan siya.  

Don't Listen To It Secretly (Wattys 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon