Chapter 47: Confrontation

536 17 0
                                    

She's crying

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

She's crying...

Gusto kong pagalitan ang sarili ko for making her feel this way pero huli na para doon. Hindi ko gustong sa ganito mauwi ang lahat, hindi ko gustong makita siyang nasasaktan, ang gusto ko lang ay kausapin siya at linawin ang lahat.

I let my pain eat me alive, at kasabay na tinangay noon ang lahat ng tamang pag-iisip na meron ako.

She still has the same effect on me.

The pain and happiness she's giving me at the same time. Ang parehong tuwa at lungkot na nararamdaman ko sa tuwing nandiyan siya, God knows how much I wanted to hug her the moment I saw her.

I missed her.

Those six month that I've been away just makes me missed her more at wala akong magawa dahil nakapagdesisyon na ako na tama na.

At ito ang resulta noon.

Noon, halos mabaliw ako sa tuwing nakikita kong umiiyak at nasasaktan siya dahil sa ibang tao. Halos sagupain ko ang lahat para lang maprotektahan siya. Pero ngayon ay ako na mismo ang nananakit sa kanya at doble noon ang sakit na nararamdamam ko dahil sa ideya na ako mismo ang nanakit sa kanya.

Gusto ko siyang yakapin, gusto ko siya aluin at gusto kong humingi ng tawad pero hindi ko magawa.

Nilalamon ako ng pakiramdam na akala ko ay nawala na noong nagpasya akong manatili sa Japan para kalimutan siya.

Akala ko'y kasabay nang hindi namin pagkikita ay ang unti-unti pag-ayos ng puso ko. Na sa paglayo ko ay makakalimutan kong mahal ko siya, na eventually ay maghihilom ang lahat ng sugat na meron ako dahil sa kanya.

"Wala kang alam, wala kang alam sa pinagdaanan ko noong umalis ka, noong nagdecide ka na huwag bumalik." She started talking, halatang nagpipigil ng inis kaya sa pagluha na lang ibinubuhos ang lahat. "Wala kang ni katiting na ideya sa pinagdaanan ko, kaya huwag kang umaktong alam mo ang lahat."

She's in pain at malinaw kong nababasa iyon sa mga mata niya. Mas matindi ang sakit na nakikita ko ngayon sa kanya kumpara noong mga panahong dinadamayan ko lang siya.

I know her, matatag siya pero may isang bagay siyang hindi kaya.

Hinding-hindi niya matatagong nasasaktan siya.

"Anim na buwan," binawi niya ang kamay niyang hawak ko nang pigilan ko siyang sampalin muli ako sa ikalawang pagkakataon. "Anim na buwan na wala akong ginawa kung hindi subukang kausapin ka, I even tried following you dahil akala gugustuhin mo ding makita ako. Ilang beses... walang araw na hindi ko sinisisi ko ang sarili ko dahil alam kong nasaktan kita. Ilang beses kong ginustong itama lahat pero ayaw mo. Sa tuwing susubukan ko na kausapin ka kahit sa pamamagitan nina DK, iniiwasan mo ako. Ayaw mo akong kausapin, tapos ngayon sasabihin mo na nasasaktan ka pa rin nang dahil sa akin? Sino ba ang lumayo, Jeonghan? Sino ba ang umalis?"

Don't Listen To It Secretly (Wattys 2020 Winner)Where stories live. Discover now