Chapter 45: Undeniably Painful

524 18 0
                                    

-----

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-----

Magkakilala pala sila?

Iyon lang ang tanging nasabi ko habang pinagmamasdan ko silang nag-uusap. I never thought that Yerin is Tita Bernie's niece, wala rin namang nabanggit si Mama kaya hindi ko talaga alam. At mukhang hindi rin iyon alam ni Jeonghan.

"I-I never thought that you're tita Bernie's niece. Wala siyang nabanggit sa amin, kahit si Mommy." pahayag naman ni Jeonghan na mukhang hindi pa rin makapaniwala sa nalaman namin.

"My bad, I actually told Tita Bernie not to tell you. Recently lang din niya nalaman na magkakilala tayo, hindi naman din siya nakikialam sa mga personal na ginagawa ko pati na rin pagdating sa trabaho. She's just supporting me all the way." paliwanag ni Yerin habang nakangiting nakatingin sa tita niya.

Habang masaya silang nagkukwentuhan ay tahimik lang akong nakikinig sa pinag-uusapan nila. I felt out of place kahit pa paminsan-minsan ay tinatanong nila ako na wala naman akong choice kung hindi ang sumagot. Hanggang sa mapansin ni Tita Bernie ang pananahimik ko.

"What's wrong, Kalih? Napagod ka ba sa byahe? Gusto mo munang magpahinga?"

"Pwede po ba? Medyo sumama po kasi iyong pakiramdam ko pagdating namin, baka po dahil sa lamig ng aircon sa sasakyan kanina."

"Oh sure, I have your room fixed already. Pwede ka na munang magpahinga, pati ikaw na rin Jeonghan. Magpahinga ka na rin sa kwarto sa tabi noong kay Kalih. I'll get the launch ready at ipapatawag ko na lang kayo kapag kakaen na."

"Pwede ba akong magpasama saglit kay Jeonghan, Tita?" mayamaya pa ay narinig kong sabi ni Yerin kay Tita Bernie sabay tingin kay Jeonghan. "Kailangan ko kasing kunin iyong cake na pinareserve ko sa Maple, wala kasing available kanina pagdaan ko so the staff told me to come back this afternoon."

She continued her plea at kasabay ng pagpapaalam nito kay Tita Bernie ay ang pagkumbinsi rin nito kay Jeonghan na samahan siya.

Then I saw him looked at me, na para bang nagpapaalam siya sa akin na hindi ko mawari. Pero sa halip na sumagot ay nagpaalam na ako sa kanilang aakyat na muna ako sa kwarto.

Hindi na ako pinigilan pa ni Tita Bernie, hindi na rin ako nagpasama rito kahit pa nagpresinta itong ihatid ako. I know this place, may ilang ulit na rin naman akong napupunta rito at palaging parehong kwarto lang naman ang ibinibigay nito sa akin bilang pahingahan.

Habang paakyat ako ng hagdan ay muli kong binalingan ng tingin sina Yerin at Jeonghan na nag-uusap pa rin sa baba at nang eksaktong lilingunin ako ng huli ay mabilis akong nag-iwas ng tingin kasabay ng malalaking hakbang na ginawa ko patungo sa nakalaan sa aking silid.

Minadali kong buksan iyon at saka ako pumasok sabay sara ng pinto. Napasandal pa ako sabay tutop sa dibdib ko dahil tulad ng maraming pagkakataong nakikita ko solang magkasama ay tumitibok na naman malakas ang puso ko. Kasabay noon ay makakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na inis.

Don't Listen To It Secretly (Wattys 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon