DLTIS 31: The Way We Were

567 20 0
                                    

-----

Йой! Нажаль, це зображення не відповідає нашим правилам. Щоб продовжити публікацію, будь ласка, видаліть його або завантажте інше.

-----

Unang araw ng special collaboration project namin nina Baro at Jeonghan. Kasalukuyan akong naghihintay sa lounge ng agency nila dahil wala pa si Woozi na nagsabing mahuhuli ng kaunti. Bukod sa sakin ay may dalawa pa akong kasama sa lounge na iyon na nasa kabilang bahagi lang ng silid at tila ba may hinihintay rin.

Tumingin ako sa relong suot ko at nakitang mag-aalas tres na ng hapon, kanina bago ako umalis sa Pledis ay nakita ko pa roon si Woozi na may inaasikaso rin para sa clmeback nila. Sinabi niyang may kailangan pa siyang asikasuhin kaya naman nauna na ako mag-isa.

Nakita ko rin sina DK at Seungkwan, maging ang buong vocal team maliban na lang kay Jeonghan na hindi ko mahagilap.

Ilang araw na rin mula noong huli kaming magkita at magkausap at sa totoo lang ay hindi ko maiwasang makaramdam ng takot dahil napapadalas na ganoon kaming dalawa.

"Ms. Kalilah, nandiyan na po si Baro. Pinapatanong po niya kung ayos lang po bang maghintay siya ritong kasama mo?" Isang staff ng agency ang lumapit sa akin para kausapin ako.

Tumango na lang ako, hindi naman ako owedeng tumanggi kahit ayaw ko dahil alam kong magtatakha sila. Marami naman kaming nasa lounge kaya hindi ko kailangan mailang.

Tahimik ko lang na pinakinggan ang tibok ng puso ko, alam ko sa sarili ko na may bahagi pa rin noon ang apektado lalo na pagdating kay Baro at hindi iyon basta-basta mawawala. Pero aminado ako na mas kumalma na iyon kaysa noong una. Maybe because I am startong to realize things at na lahat ay may dahilan kung  akot nangyayari.

Na kaya may mga taong nawawals sa buhay natin ay dahil may mga taong nakatakdang magpasaya sa atin at magmahal ng buo.

At eksaktong pagtingin ko sa gawi na pinanggalingan ng staff kanina na lumapit sa akin ay siya namang pagpasok ni Baro. Nginitian niya ako habng naglalakad ito papalaput sa kung nasaan ako, ginantihan ko lang siya ng tipid na ngiti at tahimik na naghintay hanggang sa mauoo siya sa uouang nasa tapat ko. Tapos ay may inabot siya sa akin na isang karton ng banana milk na tinusukan pa niya ng straw.

"Okay ka lang?"

Si Baro ang unang bumasag sa katahimikang namamayani sa buong lounge nang mga oras na iyon. Nang umalis kanina ang dalawang staff na kasama namin at maiwan kami doon ng kami lang ay hindi na ako nagkalakas ng loob na kausapin siya, I just sit there in silence dahil wala namang dapat pag-usapan sa pagitan naming dalawa.

"Ayos lang naman."

"Mabuti kung ganoon," tapos ay biglang humina ang boses niya at siya naman ang yumuko. "P-pasensya na nga pala."

"Para saan?"

"Para sa lahat," huminto siya saglit sa pagsasalita at saka bumaling ng tingin sa akin. "Dito, sa sitwasyon mo ngayon na kasama ako. Kung hindi ko sana pinairal ang init ng ulo nang araw na iyon at kung hindi sana kami nag-away ni Jeonghan, edi sana hindi ka naiipit ngayon."

Don't Listen To It Secretly (Wattys 2020 Winner)Where stories live. Discover now