Chapter 42: So Near Yet So Far

515 21 2
                                    

-----

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-----

He was with her at obviously ay nag-eenjoy siyang kasama si Yerin. That what it looks like nang may magsend sa akin ng picture ni Jeonghan at Yarin na magkasama habang masayang nag-uusap sa cafeteria ng Pled...

Natigilan ako sa pag-isip ng titigan kong maigi ang cefeteria kung nasaan sila, sa Pledis iyon at hindi ako pwedeng magkamali.

He's here, nandito na siya at nakabalik na mula Japan? Pero kailan pa?

Kagabi lang ay napanaginipan ko na kausap ko siya, pinuntahan niya pa nga ako sa kwarto ko at nag-usap pa kami. Nagulat na lang ako nang paggising ko ay nasa hospital na ako at ang sabi lang ni mama ay dinala raw ako dito ni Manang at nang driver nang mawalan ako ng malay kagabi.

Tinitigan kong muli nang maigi ang screen ng cellphone ko upanh siguruhing si Jeonghan nga ang naroon, sinubukan ko ring tawagan si DK pero hindi naman ito sumasagot.

Nagsimula akong mainis at malungkot dahil sa nangyayari habang iniisip na marahil ay galit oa rin siya kaya hindi niya ako magawang puntahan kahit oa nakauwi na siya.

Mayamaya pa ay biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko, wala akong nakitang pumasok ngunit may isang kamay at bouquet ng bulaklak ang dumungaw mula roon. Aaminin kong nag-eexpect akong si Jeonghan ang bubungad sa akin ngunit nagkamali ako. 

It was Baro.

Nakita kong sumimangot siya, marahil ay nakita rin niyang nagbago ang ekspresyon nang mukha ko nang tuluyan siyang magpakita.

"Sana man lang nagpanggap kang masaya na makita ako rito." reklamo pa nito habang ipinapatong sa side table ang bulaklak na dala niya.

"S-sorry, akala ko kasi si Mama."

"O baka naman may hinihintay kang iba?"

"Wala! S-sino namang hihintayin ko at sino naman ang dadalaw sa akin?" kunwari ay patay-malisyang sabi ko na para bang hindi ko alam ang sinasabi niya.

"Kumain ka na?"

"Wala akong gana." matamlay na sabi ko sabay balik sa pagkakahiga.

"Hindi pwedeng hindi ka kumain," sabi naman nito. Ilang saglit pa ay may narinig kaming kumatok, agad siyang nagtungo sa pinto para buksan iyon at pagbalik niya sa pwesto niya kanina ay may dala na itong dalawang paper bags.

"Ano iyan?"

"Pagkain mo, nagpaluto ako kay Sandeul ng pwede mong kainin, I also had it delivered dahil hindi na ko makakadaan sa restaurant nila para mag-pick-up."

Don't Listen To It Secretly (Wattys 2020 Winner)Where stories live. Discover now