DLTIS 25: Twenty Five

567 26 5
                                    

-----

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-----

"Kalih, ayos ka lang ba?"

Isang marahang pagtapik ang naramdaman ko nang tila magising ako mula sa sandaling pagkakatulala. Nakita kong nakatingin sa akin si Seungkwan at akmang hahawakan muli ako sa balikat upang makasigurong narinig ko ang pagtawag niya sa akin.

"Bakit?"

"Anong bakit? Kanina ka pa nakatulala, ayos ka lang ba? May masakit ba sa iyo?" Sunod-sunod na usisa nito sa akin.

Umiling ako bilang tugon, tila naman nalito si Seungkwan at hindi ata niya alam kung alin sa mga tanong niya ang sinagot ko.

"Kanina ka pa nakatulala pagdating mo. May nangyari ba?" nagpatuloy lamang ito sa pagtatanong sa akin. "Kung iniisip mo iyong lumabas na video ni Jeonghan-hyung, hayaan mo na iyon at huwag mo ng masyadong isipin pa. Kayang-kayang gawan niyang lusutan ang bagay na iyon, isa pa, ginagawa na nina manager Kim ang lahat ng pwedeng gawin for the issue to die down kaya huwag ka nang mag-alala pa."

The I suddenly remember mama's looks while she is scolding us earluer this morning. Alam kong hindi basta-basta ang paghandle sa mga issue na tulad ng kinakasangkutan ni Jeonghan lalo pa at buong grupo ang dala-dala niya, I cannot imagine the pressure and the weight on his shoulder.

At doon ako sobrang nag-aalala.

Naroon na ang lahat maliban kay Jeonghan, inilibot ko ang paningin ko sa paligid ng buong dressing room ngunit hindi ko pa rin siya makita kahit na ilang minuto na lang ay magsisimula na ang show at anumang iras ay sasalang na kami. I started to feel worried at marahil ay napansin iyin ni Seungkwan 

"Kung si Jeonghan-hyung ang hinahanap mo," tila ba nabasa ni Seungkwan ang nasa isip ko, "medyo malelate raw siya ng dating saglit pero aabutan naman niya tayo bago tayo magperform kaya huwag ka nang mag-alala. Kinailangan niya munang bumalik sa Pledis dahil pinatawag siya nina CEO Yoon at manager Kim."

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na kabahan, "Dahil ba sa video na lumabas kaya siya pinatawag?"

Tango lamang ang tinugon ni Seungkwan. Tapos ay inabala na nito ang sarili sa paglalaro ng games sa cellphone nito at hindi na ako muling kinausap.

Lalo naman akong nakaramdam ng pagkabalisa dahil sa narinig ko. Dapat ay kasama niya akong nagpapaliwanag ni at tinatanggap ang galit ng management namin pero siya itong sumasalo ng lahat.

Just like what he's aleays doing for me.

"Kaya ni Jeonghan ang sarili niya at alam kong ayaw ka na rin niyang mag-alala pa kaya magrelax ka lang." Napalingon ako sa direksyon ng couch kung saan nakaupo sina Woozi at Joshua. I saw Woozi looking at me, assuring me not to worry anymore samantalang tahimik lang akong tinignan ni Joshua.

Sampung minuto bago kami magperform ay pinapunta na kaming lahat sa backstage, naroon at naghihintay na ang halos lahat ng mga performer na naka-line up para sa episode ng music bank ngayong gabi. May mga rookie at batikan na grupo ang naroon. Marami na rin naman akong kakilala sa kanila at halos lahat ay nabati ko naman maliban lamang sa isang grupo.

Don't Listen To It Secretly (Wattys 2020 Winner)Where stories live. Discover now