DLTIS 27: I Don't Know

584 22 0
                                    

-----

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-----

"Kanina ka pa tahimik, ayos ka lang ba?"

Tumingin lang sa akin si Kalih pagkatapos at saka ako alanganin ngintian. She's been pre-occupied after leaving The Brix's party na para bang napakalalim ng iniisip niya. Tahimik lang rin siya buong biyahe na lalo ko namang ipinag-alala.

"May problema ba?"

"H-huh? W-wala, wala naman. M-may iniisip lang ako. Kanina ka pa ba nagsasalita?" Halos mautal na sabi niya sa akin.

Nananatili siyang nakatingin at tila ba tinitignan ang bawat ekspresyon ng mukha ko, I know something's bothering here pero hindi ko na sinubukan pang alamin.

Umiling ako bilang tugon sa tanong niya, kunwari ay nakalimutan ko na ang tinanong ko sa kanya at nagpatuloy na lang ako sa pagmamaneho. Ngunit nang muli siyang manahimik at nang mahalata kong malalim na naman ang iniisip niya ay muli akong nagsalita.

"Tell me, may problema ba? I can't help but ask, kanina pa kita tinitignan noong nasa party pa lang tayo." nagsimula akong muling magtanong matapos kong sandaling ihinto ang kotse sa tabi ng kalsada. "Look, alam ko namang hindi ka pa rin komportableng kasama si Yesha sa isang lugar dahil sa nangyari noon, that is why I have asked you seceral times earlier kung okay lang na sumama tayo sa kanila and you insisted."

"Dahil wala naman na talaga iyon, what happened between me and Yesha are all part of the pa-"

"Hindi mo kailangan na isubo ang sarili mo sa usang sitwasyong hindi ka naman komportable. We should've left earlier, in fact hindi na dapat tayo sana nagpunta pa doon. Hindi na rin tayo dap-"

"Ayos lang ako, promise!"

Tinignan ko si Kalih habang sinasabi niya ang bagay na iyon, hindi ko alam kung bakit pero hindi niya ako makumbinsi na okay lang siya at may pakiramdam akong hindi naman talaga iyon ang totoong nararamdaman niya.

I can still feel friction and tension between her and Yesha, bagay na alam kong hindi naman talaga mawawala basta-basta. I know for a fact that the rift between them is still as serious as it was before, nothing has changed. 

Her silence is a clear proof that she and Yesha cannot stay and be in the same place at the same time.

"Sure?"

Nakita kong tumango siya tanda ng paniniguro niya sa tanong ko.

"Basta, kung hindi ka komportable sa isang bagay, you don't have to compromise yourself."

"Naiintindihan ko po. Pero teka, i-ikaw, ayos ka lang ba?"

Napansin kong muling tumamlay ng bahagya ang boses ni Kalih nang tanungin niya ako. I can see sudden guilt and sadness in her eyes at may pakiramdam akong may kinalaman pa rin iyon sa nag-leaked na video namin ni Baro, maybe she's still blaming herself because of what happened.

Don't Listen To It Secretly (Wattys 2020 Winner)Where stories live. Discover now