DLTIS 10: Not So Good News

1.1K 46 47
                                    

-----

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-----

Ilang araw na ang nakalipas mula ng magkita kami ni Baro ngunit wala pa ring nagbago sa nararamdman ko. Naroon pa rin ang sakit, lalo na tuwing makikita ko ito sa T.V o mababasa sa mga articles sa internet.

Kung dati ay nae-excite ako tuwing may balita akong mababasa sa mga pinagkakaabalahan nito, ngayon ay takot at kaba na ang nararamdaman ko, matapos kasi ng pag-uusap namin ay bumalik nanaman kami sa dati.

Naging abala na ito sa shooting ng drama series na pagbibidahan nila ni Alexene at iyon din mismo ang dahilan kung bakit lalo kaming nawalan ng pagkakataon na magkita at pag-usap. Hindi na ulit kami nagkita at ni ang mag-usap sa telepono ay hindi rin namin magawa.

He never called me again.

I'm still waiting for an explanation but decided to wait for him to open up. Marahil ay galit ako at nalilito pero hindi iyon sapat na dahilan para isuko ko ang lahat ng meron kami noon. I am willing to wait for him until he is ready to explain everything to me.

My mind is telling me to let go and let him be, kung ayaw niya na, edi ayawan na. Tigil na at hahayaan ko na siya, there is no point in waiting for someone who doesn't even have the guts to explain his side, but my heart is saying something differently.

I'm still willing to wait until he is ready. Malinaw na sabi ng puso ko.

Pero mabilis na sumagot ang utak ko at bigla ay para bang nagkaroon ng munting pagtatalo sa loob ko.

Ready for what? To be man enough and have the courage to tell you what the hell is happening? Mag-isip ka, Kalih at hindi lang puso ang dapat na pinapairal mo.

Nagpailing-iling ako para alisin ang mga isipin na iyon sa utak ko. Kahit ang sarili ko ay dinadaya ko at pinapaniwala, one say he'll be able to tell me the things that I want to know. The things that will clear all this misunderstanding.

One day he'll realize and everything will make sense.

Nasa parking lot na ako ng Pledis, kabababa ko lang ng taxi dahil hindi ako sumabay kay Jeonghan nang umalis ito kaninang umaga.

Kinailangan nitong mauna na dahil may maaga silang practice para sa isang broadcast nila na gaganapin mamayang hapon. May recording schedule naman kami ni Woozi pagkatapos kaya nagpasya akong pumunta sa Pledis ng mas maaga upang panuorin sila. Making myself busy somewhat makes me forget what is happening, iyon lang naman ang pwede kong gawin ngayon, ang abalahin ang sarili ko para hindi ko na maisip ang mga bagay na gumugulo sa akin.

Papasok na sana ako ng building nang masalubong ko si DK na papasok rin nang mga oras na iyon, may bitbit itong ilang supot ng maiinom at sandwiches na sa palagay ko ay para sa miyembro ng SEVENTEEN.

"Saan ka galing?" Tanong ko sa kanya nang huminto siya sa harapan ko.

"Nagpabili sila ng makakain sa akin, natalo ako sa bet game namin kanina kaya ako ang napag-utusan." nagsusumbong na tugon niya sa akin.

Don't Listen To It Secretly (Wattys 2020 Winner)Where stories live. Discover now