DLTIS 2: It's Killing Me

6.7K 152 109
                                    

-----

Ουπς! Αυτή η εικόνα δεν ακολουθεί τους κανόνες περιεχομένου. Για να συνεχίσεις με την δημοσίευση, παρακαλώ αφαίρεσε την ή ανέβασε διαφορετική εικόνα.

-----

"Ayos ka lang ba?"

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na iyon at wala iyong iba kung hindi si Jun, hindi ko napansin kung kailan pa siya nasa likuran ko. Ang alam ko ay mag-isa lang ako na nasa practice room dahil mamaya pa ang dating nila. Kaya naman ikinagulat kong nandito na kaagad siya.

"Ha?" wala sa loob na tanong ko nang makita kong nakaupo na siya roon at nakatingin sa akin. "K-kanina ka pa ba nandiyan?"

"Oo, mga five minutes siguro." sabi naman nito pagkatapos tumingin sa suot na relo. "You looked uneasy, kanina pa kita tinitignan pagkapasok ko at mukhang busy ka kaya hindi mo napansin na nandito ako."

"M-may iniisip lang ako. N-nasaan ang iba? Bakit ikaw lang?"

"Papunta na sila, nauna lang ako dahil may kinailangan akong puntahan kanina. Teka, sigurado ka bang ayos ka lang?" muling tanong nito na tila hindi kumbinsido sa sinabi ko.

Tango na lang ang tanging naisagot ko sa kanya. Muling nabaling ang paningin ko sa binabasa kong article na halos dalawang araw na rin ang nakalipas matapos lumabas.

It was an article that says Baro left the country for a vacation sa Europe with her sister. There is nothing unusual about the article, mukha namang masya sina Baro at ang kapatid niya habang nililibot ang iba't-ibang bansa sa Europe pero bakit may bahagi ng puso kong nasasaktan habang tinitignan siya.

Ang mga larawan nito ay para bang nagpapaalalang iyon ang dahilan kung bakit hindi ako makapag-isip ng maayos at kung bakit pakiramdam ko ay para akong nasa isang masamang panaginip.

Naalala ko pa noong nabanggit sa akin ni Baro na gusto niyang pumunta ng Europe kapag nagkaroon siya ng libreng oras. Tinanong pa niya ako kung gusto kong sumama at pumayag naman kaagad ako dahil iyon ang unang biyahe namin na malayo kapag nagkataon.

Hindi ko maintindihan kung anong nangyari sa amin. Matapos ang problema namin noon, akala ko ay magiging maayos na rin ang lahat. Masaya naman kaming dalawa, hindi naging problema sa amin ang madalang naming pagkikita dahil pareho kaming abala. Kung may problema naman kami ay napag-uusapan namin namin at hindi lumilipas ang maghapon na hindi kami nagkakaayos.

Madalang ko siyang makita lalo na nitong mga huling buwan, pero ni minsan ay hindi ko naisip na hanggang dito na lang kami.

Isang araw nagising na lamang akong parang hindi ko na siya kilala, bigla kaming naging estranghero sa isa't-isa. Lumilipas na rin ang mga araw na galit ako o di kaya ay galit siya.

Nagsimula akong magduda sa kung ano pa bang natitirang meron kami, hanggang sa unti-unti ay tila ba nauubusan na ako ng rason para maniwalang maayos pa ang lahat. Hanggang sa huli ay unti-unting nawawalan na ako ng pag-asang maaayos pa kami.

Ako lang ba iyon?

O siya, na habang tumatagal ay parang nag-iiba?

"Ayos lang ako, medyo puyat lang from last night." pagdadahilan ko kay Jun para hindi na siya magtanong pa.

Don't Listen To It Secretly (Wattys 2020 Winner)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα