DLTIS 19: Confession?

812 39 29
                                    

-----

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-----

Hinintay kong kumalma si Kalih bago ko siya niyayang pumasok sa loob. Maging ako ay kumalma na rin mula sa inis ko kanina pagkakita kay Baro at ngayon ay mas mahinahon ko na siyang kinakausap.

Alam kong wala akong ibang magagawa para mawala ang lahat ng sakit na nararamdaman niya, at hindi ko rin naman siya pwedeng diktahan sa kung ano ang dapat niyang maramdaman kaya sa huli ay wala rin naman akong magagawa kung hindi ang manatili lamang aa tabi niya. Lalo na tuwing pakiramdam ko ay iiyak na naman siya.

I just silently wished that fighting for her is part of the option, kaso ay hindi.

Dahil kung lumaban ba ako para sa nararamdaman ko para sa kanya, may magbabago ba?

Hinayaan ko na lang na mawala ang isiping iyon. Ang impirtante ngayon ay si Kalih at ang maging okay siya.

I have to be there, wala naman akong ibang pwedeng gawin kung hindi ang aluin siya at iparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa.

"I'm sorry kung nagalit ako kanina," mahinahon kong sabi sa kanya nang bitawan ko siya.

Umiling lamang siya sa akin at saka pinunasan ang luha sa mga pisngi niya. She smiled at me kahit pa alam kong napilitan lang siya, I missed seeing her smile, I missed seeing her happy and I missed the Kalih that I used to know.

"Wala ka namang kasalanan." tinignan niya ako at muli kong nakita ang pamilyar na lungkot sa mga mata niya, malapitan ko iyong nasasaksihan na siya namang nagpapalungkot din sa akin.

All I want is to see her smile again and be her old self again. Pero tulad ng palaging sinasabi ng iba, hindi mo kailanman matuturuan ang puso, hindi mo madidiktahan ang isang tao sa dapat niyang maramdaman.

Hindi ganon iyon.

People are naturally complaisant to what they are feeling, minsan nga ay natatalo ng emosyon ang tao kaya nga nakakagawa tayo ng mga bagay na minsan hindi naman natin gustong gawin.

"I hate seeing you like this." buong sinseridad kong sabi sa kanya, ngumiti ako para lahit papaano ay mabawasan ang kaseryosohan ng sinabi ko at ginantihan niya ako ng isa ring ngiti.

Muli akong kumilos para yakapin siya sa pangalawang pagkakataon, hindi na iyin oara sa kanya kung hindi para sa akin. I wanted to hug her and make her realize that she still have me, na nandito pa ako.

Mas mahigpit iyon kesa sa unang pagyakap na ginawa ko sa kanya kanina. Ngayon ay hindi na siya umiiyak pero ramdam ko pa ein ang sakit na tumatagos mula sa kanya papunta sa akin.

"Sana may pwede akong gawin para alisin ang lahat ng sakit nannararamdaman mo, Kalih. Sana may kaya akong gawin para hindi ka na umiyak at masaktan. Sana kaya kong pagaanin ang nararamdaman mo sa tuwing nalulungkot ka nang dahil sa kanya." 

Don't Listen To It Secretly (Wattys 2020 Winner)Where stories live. Discover now