DLTIS 13: Goodbye To You

942 43 44
                                    

Ilang minutong katahimikan ang namayani sa amin ni Baro

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ilang minutong katahimikan ang namayani sa amin ni Baro. Walang mga salitang gusto kumawala sa bibig ko at nanatili lang akong nakayuko sa harapan niya.

Anong nangyari sa mga gusto mong itanong, Kalilah? Narinig kong pinagagalitan ako ng isip ko nang mga oras na iyon.

Parang isa-isang nilipad ng hangin ang mga tanong ko at ang kagustuha kong kausapin at komprontahin si Baro ay nawalang bigla nang makaharap ko siya. I was not even myself at hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin.

"Kalih," si Baro ang bumasag ng katahimikan ng tawagin nito ang oangalan ko.

Ang malalim ngunit malamig niyang boses ang nagpa-angat ng mukha ko sabay tingin sa kanya. Nanibago ako dahil malayo iyon sa klase ng pagtawag niya sa pangalan ko noong maayos pa kaming dalawa, noong wala pa kaming problema.

Malalim ang boses ni Baro, isa iyon sa katangian niyang gustong-gusto ko. He has this deep, full voice that will draw your attention when he raps his verses or even when he sings.

Aside from self composing all his rap parts on every song they have, he also has this distinctive tone only he can deliver. Hindi iyon karaniwan at hindi mo madalas maririnig kung saan-saan.

Tinignan ko lang siya pag-angat ko ng mukha ko, kung nasa ibang pagkakataon lamang kaming dalawa mgayon ay malamang na niyakap ko na siya. But things weren't the same as before.

Hindi na kami tulad ng dati at hindi ko rin alam kung babalik pa ba ang lahat sa dati.

"I'm sorry, I nev-"

"Stop saying sorry Baro, hindi ko kailangan ng sorry mo."

Nanahimik siyang sandali at hindi na muna nagsalita, diretso lang akong nakatingin sa kanya habang hinihintay ko siyang magsalita.

God knows how much I wanted him to answer all the questions I have. Gusto kong itanong sa kanya ang lahat ng mga bagay na gusto kong hanapan mismo ng sagot.

Gusto kong hanapan ng sagot ang mga ano, bakit at paano na nasa isip ko. Sawa na akong marinig ang paghingi niya ng paumanhin na ni hindi ko naman alam kung para saan.

Ayokong makarinig ng mga dahilan at pagkakaila na patuloy lang na nagdudulot sa akin ng kalituhanat lalo lang nagpaparami ng tanong sa utak ko. I want the truth at gusto kong sabihin niyang lahat ng dapat kong malaman.

"A lot has happened." Panimula ni Baro, nanatili akong tahimik at kalmado, walang imik habang pinakikinggan siyang magsalita. This is the only chance I have to hear his side, para marinig ko ang lahat ng sasabihin niya sa akin. Ang tanging magiging sagot niya sa mga tanong ko. "Ang dami kong iniisip, ang daming tumatakbo sa utak ko at marami akong gustong sabihin pero hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa. Kung paano kong sisimulan ang mga gusto kong sab-."

"Start by telling me what's happening, Baro?"

"We're okay,"

"Are we? Ito ba ang batayan ng pagiging okay natin? Iyong hindi tayo nag-uusap, iyong iniiwasan mo ako at ang lahat ng mga tanong ko sa iyo? Is this how you define us being okay?"

Don't Listen To It Secretly (Wattys 2020 Winner)Where stories live. Discover now