DLTIS 17: When Will It Be Over

892 41 14
                                    

-----

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-----

Kinabukasan ay nagising na lang ako sa ingay ni Seungkwan na kasama ko sa kwarto. Kasabay ng pagyugyog niya sa akin tanda na ginigising niya ako ay rinig rin sa buong silid ang lakas ng boses niya na nanunuot sa tenga ko.

"Hyung, gumising ka na nga. Mauubusan na tayo ng pagkain."

Ayoko mang bumangon ay wala na akong nagawa pa nang hilahin niya ang kumot na nakataklob sa akin at hablutin ang kamay ko upang tumayo.

"Boo Seungkwan, natutulog pa ako. Ano bang problema mo?" naiinis na tanong ko sa kanya. Kumilos ako upang bumalik sa pagkakahiga ngunit hindi ito pumayag at muling hinila ang dalawa kong braso upang pigilan ako sa gusto kong gawin.

Matapos ang ilang ulit na pangungumbinsi ay napilitan akong tumayo at lumabas ng kwarto kasama siya. Sinundan ko si Seungkwan hanggang sa makarating kami sa hapag kaininan at nakitang naghihintay na ang iba pang mga kasama namin sa villa.

"What's happening? Bakit ang daming pagkain?" nagtatakang tanong ko habang umuupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Kalih.

"Who cooked everything?"

"Si Mei,"

Ipinagkibit balikat ko na lang ang sinabing iyon ni The8 habang pinuposisyon ko ang sarili ko sa bakanteng upuan sa hapag, nakita kong tumayo si Chinee sa harapan naming lahat na para bang alanganing magsasalita at alanganing hindi. Mukhang kinakabahan siya na ewan sa itsura niya at ekspresyon sa mukha nito. She looked each and everyone of us bago siya nagsalita.

"Hi," nakuha niyang lahat ang atensyon ng karamihan na naroon at tahimik na nakinig sa iba pa niyang sasabihin, nanatili naman akong tinitignan ang mga pagkain sa hapag. Namimili kung ano ang uunahin.

"Alam kong hindi maganda ang una nating pagkikita, I am aware of my attitude but I cannot control my emotions. Sorry kung kayo ang napagbalingan ko ng mga frustrations ko."

Mayamaya ay tumingin ito sa akin at tinignan ako ng puno ng sinseridad. Blangko ko lang siyang tinitigan, I am listening and I know from that point that she's saying sorry not just to the members but also directly to me.

"Sorry talaga."

Nagpatuloy si Chinee sa pagpapaliwanag sa mga nangyari noong una namin siyang nakita at nakilala, maging ang nangyari habang ginagawa namin ang Mansae MV ay napag-usapan rin. Lahat ay nagsalita ng mga hinaing nila sa kanya at matapos ng ilang paliwanag ay nauwi sa asaran at tawanan ang lahat sa bandang huli.

Binalingan muli ako ni Chinee. Nakita kong nag-usal siya ng salita at agad kong nabasa iyon, she mouthed, saying sorry to me while smiling and I just gave her a nod. Nakita iyon ni Kalih at naramdaman ko na siniko niya ako sa braso tapos ay muling inginuso ang kaibigan nito.

Natapos ng matiwasay ang agahan, nagkanya-kanya kami ng gawain ng araw na iyon. Ang ilang miyembro ng grupo ay lumabas at ang ilan naman ay nagkulong lang sa kwarto para magpahinga. Nang hapon ding iyon, ang grupo ng hiphop at performance team sa pangunguna ni S.Coups ay napagpasiyahan na maglaro sa pool habang nagsu-swimming. Si Woozi naman at ang iba pang miyembro ng vocal unit ay nasa salas, nagkakantahan kasama sina Kalih at Jiwoo na halatang hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari.

Don't Listen To It Secretly (Wattys 2020 Winner)Where stories live. Discover now