DLTIS 29: Jeonghan's Kiss

685 23 0
                                    

Matapos kong malaman ang bagong project ko kasama ni Baro ay may ilang araw ko ring pinag-isipan kung tatanggapin ko ba iyon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Matapos kong malaman ang bagong project ko kasama ni Baro ay may ilang araw ko ring pinag-isipan kung tatanggapin ko ba iyon. Nabanggit sa akin ni mama na ang project ay para ipakita na wala naman talagang issue sa pagitan nina Baro at Jeonghan, maging sa Pledis at sa bagong agency nang nauna.

Para matigil na ang haka-haka ng mga tao at matahimik na kaming lahat.

Dahil sa kagagawan ni Yesha, may ilang araw na ring hindi mamatay-matay ang issue tungkol sa namuong away sa pagitan ng dalawa. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapaniwalaang siya ang may kagagawan ng mga nangyayari ngayon.

Bakit nga ba hindi pa ako kumbinsido, eh noon pa man ay may rwputasyon na siyang ganoon.

Halos pagpiyestahan sa iba't ibang entertainment portals, T.V shows at social media flatforms ang video na hindi ko alam kung paano niya nakuha. Wala akong magawa and it frustrates me more to think na alam ko na kung sinong may kagagawan pero ni hindi ko makompronta.

"Are you ready?"

Nalingunan ko si Jana na sakto namang kakapasok lang ng dressing room ko. She's my assistant for today sa isang vatiety show guesting ko at mas madalas ko na siyang kasama ngayon lalo na kapag wala siyang pasok sa cafe.

I smiled back at her habang itinuon muli ang paningin ko sa repleksyon ko sa salaman na nasa harapan ko. I am all set at hinihintay ko na lang na tawagin ako ng staff.

"Yes, okay na ako."

"Good, ready na ang lahat. Magsisimula na rin ang music show limang minuto mula ngayon. Sinabihan na ako ng mga staff to get you ready, eh mukha namang hindi ko na kailangang gawin pa iyon." Nangingiting sabi ni Jana sa akin sabay tingin rin sa kabuuan ko sa salamin.

"You know I am always ready,"

"Ikaw pa ba? Sa tinagal-tagal mong hinintay na mangyari ang lahat ng ito, off course alam kong lagi ka namang handa." Mayamaya pa ay hinawakan ako ni Jana sa magkabilang balikat ko mula sa likuran.

Kita ko ang repleksiyon naming dalawa at ganon din ang nagtatanong niyang mga tingin sa akin at alam ko na ang ibig sabihin ng mga tingin niyang iyon.

"Eh 'yan ba, handa na?" sabi niya sa akin sabay nguso sa dibdib ko.

Alam ko kung ano ang tinutukoy niya, tinatanong niya ang kalagayan ng puso ko at kahit hindi niya sabihin ay alam kong labis pa rin siyang nag-aalala para sa akin.

"Anong lagay niyan?"

"Ayos naman daw sabi niya," pabiro kong banat kay Jana.

Imbes na ngumiti ay lalo lamang sumeryoso ang mga tingin niya sa akin, bagay na hindi ko gustong ginagawa niya dahil alam ko na ang kasunod noon.

Matagal na kaming magkaibigan and she knows everything. From my professional and personal life, sa mga problema at sakit na pinagdaanan ko noon kaya naiintindihan ko kung bakit ganoon na lang siya mag-alala para sa akin.

Don't Listen To It Secretly (Wattys 2020 Winner)Where stories live. Discover now