Chapter 48: Where Are You

534 17 0
                                    

Malalakas na mga katok ang gumising sa akin kinabukasan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Malalakas na mga katok ang gumising sa akin kinabukasan. Kasabay noon ay ang pagtawag sa akin ni tita Bernie mula sa kabilang bahagi ng pintuan ng silid ko.

Agad ko itong pinagbuksan at ang nag-aalalang mukha niya ang sumalubong sa akin.

"Si Kalih, wala siya sa kwarto niya."

"Baka po lumabas lang saglit."

"Wala na rin ang mga gamit niya, ang tanging nakita ko lang sa kwarto niya eh ito." sabay abot sa akin ng isang note na sulat kamay mismo ni Kalih.

Wala na akong inaksaya pang oras. Pagkabasa ko sa sulat na ibinigay ni tita Bernie ay mabilis akong nagbihis para subukang habulin si Kalih, nagbabakasakaling hindi pa ito nakakalayo.

Hindi na ako nakapagpaalam pa kay Yerin na nasalubong ko pa pagkalabas ko ng bahay, si tita Bernie naman ay tinawagan na si mama upang tanungin si Kalih rito at lalo lamang akong nag-alala nang maging ito ay magtaka na hindi kami magkasama.

"Umalis po siya kanina," paliwanag ko kay Mommy Mildred nang iabot sa akin ni tita Bernie ang telepono. "Hahanapin ko po siya, baka hindi pa siya nakakalayo. Kapag kinontak niya po kayo, pakisabihan po ako. Tatawagan ko sila DK, baka nagpasundo sa kanila somewhere."

At ganoon nga ang ginawa ko, sinubukan kong tawagan sina DK upang tanungin ang mga ito kung tinawagan sila ni Kalih ngunit tulad ni mommy Mildred ay nagtaka rin silang hindi kami magkasama. Halos magising ang buong ulirat ko sa isiping umalis siya nang hindi nagpapaalam sa amin, o kahit sa mama niya.

Tinawagan ko ang lahat ng pwede niyang puntahan, maging si Sandeul-hyung at ang girlfriend nitong si Jessie ay tinawagan ko na rin ngunit wala pa ring makapagsabi kung nasaan siya.

Kalilah, nasaan ka ba nagpunta?

Ilang ulit ko na ring sinubukang tawagan ang telepono niya, magriring iyong saglit ngunit mawawala rin na para bang sinasadya iyong patayin o di kaya ay voice mail nito ang maririnig ko.

"Sumagot ka naman." sabi ko sa pagitan ng pagtatangkang kumunekta sa kanya ngunit pare-pareho lang ang natatanggap ko mula sa linya ng telepono nito. Magri-ring iyon at mamatay rin kalaunan.

Eksaktong pagbaba ko ng telepono ko ay siya namang pagtawag ni Chinee sa akin.

"Jeonghan, totoo bang nawawala si Kalih?" iyon kaagad ang mga salitang bungad nito sa akin nang sagutin ko ang telepono ko.

Katahimikan ang naging tugon ko sa kanya, kaya naman inulit nito ang tanong niya kanina.

"H-hindi ko alam kung nasaan siya at kanina ko pa siya hindi makontak. Tinawagan ko na siya pero ayaw niya akong sagutin. Hindi ko al-"

"Si Baro? Nasubukan mo na bang tanungin siya?"

Otomatikong natigilan ako nang marinig ko ang pangalang binanggit niya. Sa lahat naman ng tao, bakit siya pa.

Don't Listen To It Secretly (Wattys 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon