DLTIS 18: How To Stop

745 37 25
                                    

-----

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-----

"I'm sorry, hindi ko alam na ikaw ang kasama ni Chinee dito, Kalih."

Otomatikong napahinto ako sa narinig kong iyon na sinabi ni Baro. Nabanggit ko kay Sandeul na magkasama kami ni Chinee nang magtanong siya sa akin kung alam ko kung saan nagpunta si Chinee, wala raw kasi silang ibang alam pa na pwede nitong puntahan at ayaw rin namang magsalita ni Shinwoo.

Alam kong nabanggit ko sa kaniya ang address ng villa pero ang hindi ko alam ay makikita ko ngayon sa harapan ko si Baro.

"Hindi nabanggit ni Sandeul na ikaw ang kasama ni Chinee, sinabi lang niya sa akin ang address. Hin-"

"Wala rin naman siyang alam at hindi ko rin nabanggit na ako ang kasama niya. A-ayos lang naman, n-nag-usap na ba kayo?" Pinilit kong ngumiti pagpihit ko paharap sa kanya.

Tinignan lang ako ni Baro tapos ay naramdaman ko na lang ang mahigpit na paghawak sa akin ni Jeonghan.

His guards are on at alam ko kung bakit.

"G-gusto mo munang pumasok? Uminom or kahit ano." wala sa loob na yaya ko kay Baro na lalo namang ikinahigpit ng hawak ni Jeonghan sa akin.

Ngunit sa huli ay pumayag rin siya.

He maybe protesting silently pero hindi naman siya bastos at ang pinakahuling alam kong pwede niyang gawin ay ang pakitaan ng hindi maganda si Baro, kahit pa may disgusto siya rito.

Nagpatiuna si Jeonghan sa paglakad, hindi na niya ako hinintay at naiintindihan ko kung bakit kaya hinyaan ko na lang siya. Muli kong tinignan si Baro at niyaya ito sa loob na hindi na rin nito tinanggihan.

Pagpasok sa loob ay wala na kaming nadatnan sa salas, hindi ko na rin makita si Jeonghan kahit saan, marahil ay pumasok na ito sa silid niya. I offered Baro a drink, pinaupo ko rin siya sa sofa at saka ako nagpunta sa kusina upang kuhaan siya ng maiinom.

"Pasensya na ulit." malumanay na sabi nito sa akin. Hindi ko alam kung para saan ba ang pasensyang iyon, hindi ko na rin kasi alam kung ano sa mga nangyayari ang hinihingi niya ng tawad.

"Wala iyon, alam naman ng lahat kung paano mo pahalagahan si Chinee. Of course hahanapin mo siya kaya wala kang dapat ipag-alala." I smiled at him, pinanalangin kong huwag niyang mapansin ang pagkailang ko.

Hindi ko alam kung kaya ko siyang kausapin at harapin ng diretso ng hindi umiiyak. Honestly, seeing him now takes back all of the pain na akala ko ay unti-unti ko ng nakakalimutan. Na kahit papano at pakonti-konti ko ng hindi nararamdaman.

Wala akong tiwala sa sarili ko, wala akong tiwala sa sarili ko dahil kahit ako ay hindi ko rin masagot ang tanong na kung ayos na ba talaga ako?

"Hindi na dapat ako nagpunta rito."

"A-ayos lang naman, alam ko namang kaibigan mo siya at importante siya sa 'yo kaya normal lang na mag-alala ka para sa kanya. Hindi naman siya mapapano rito, hindi rim siya mapapahamak kaya hindi mo na kailangan mag-alala pa."

Don't Listen To It Secretly (Wattys 2020 Winner)Where stories live. Discover now