Chapter 53: Moving On

1.5K 29 0
                                    

"Is she coming?" kinakabahang tanong ko na para bang ito ang unang beses na magkikita kami

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Is she coming?" kinakabahang tanong ko na para bang ito ang unang beses na magkikita kami.

Kanina pa ako hindi mapakali sa backstage lalo na nang malaman ko kay Jun na dadating siya. Hindi ko alam kung bakit pero tila ba nawala lahat ng pagkakalma ko sa katawan at tanging nerbyos na lamang ang nararamdaman ko nang mga oras na iyon.

"Relax, baka magkamali ka sa performanace mo mamaya. Act normal, ngayon ka pa kakabahan?"

Tumango ako sa nakababatang miyembro bago sinilip ang labas ng stage mula sa likod, puno ng mga fans at media ang buong hall kung saan idinaraos ang charity concert namin para foundation na sinusuportahan ng grupo. Magmahalong kaba at saya ang nararamdaman ko dahil para iyon sa mga batang naging malapit na sa amin at iyon din ang unang pagkakataon na makikita ko si...

"Kalih,"

Nagatataka akong napalingon nang marinig ko ang pangalang binanggit ni Jun na nasa likuran ko. Tinignan ko siya ng masama nang bigla siyang bumunghalit ng tawa pagtalikod ko sa pag-aakalang naroon si Kalih sa backstage.

"You should see your face right now, Hyung." sabi nito sabay tawa ng malakas.

"Siraulo ka."

Nakaamba na akong babatukan siya nang mabilis siyang umiwas at lumayo sa akin, siya namang dating ni Woozi at Joshua na galing ng labas.

"Anong ginagawa ninyong dalawa? Jeonghan, ilang minuto na lang at lalabas ka na sa stage, nakukuha mo pang maglaro?" ani Joshua nang may seryosong tinig.

Napapangiti naman si Woozi dahil para akong batang pinagagalitan ng huli. Pero nawala rin ang kaseryosohan ni Joshua nang lapitan ako nito at yakapin.

"Huwag kang magkakalat."

"At kailan ako nagkalat?" nagtatakhang tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot at binigyan lamang ako ng makabuluhang tingin. Mula roon ay alam ko na ang ibig nitong sabihin. Hindi performance sa stage ang tinutukoy nito kung hindi ibang bagay, mas personal na bagay.

"Nandiyan na ba?"

"Sino? Iyong mga bata? Oo kanina pa nandiyan." sabad ni Woozi na nangingiti pa rin.

"Alam mong hindi mga bata ang tinutukoy ko, Woozi."

"Eh sino ba? Wala namang ibang bisita... ahhh," mayamaya pa ay bulalas nito ng tila may maalala. "Si Ka~rina? Iyong PA natin? Nandiyan siya sa likod may kailangan ka ba sa kanya?" sabi nito habang hindi napapalis ang ngiti habang tila sayang-saya siyang inaalaska ako.

"Jeonghan, one minute." paalala ng isa sa mga staff ng charity concert.

"Okay," tapos ay binalingan ko iyong tatlo na hindi ko alam kung bakit pero tila ba may tinatago sa pagitan ng mga tingin at pagngiti nila sa akin.

Don't Listen To It Secretly (Wattys 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon