DLTIS 35: It's Over

518 17 3
                                    

-----

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-----

Nagising ako sa ingay na nagmumula mismo sa loob ng silid ko. Hindi na ako nakatulog pa dahil sa ingay na nagmumula sa mga taong naroon na tila ba walang pakialam. Hindi yata nila alam na nakakaistorbo sila ng nagpapahinga. Wala halos sa kanila ang nakapansing gising na ako kaya naman ikinagulat nila ang bigla kong pagbangon mula sa pagkakahiga, pati na rin ang pagsaway ko sa kanilang lahat.

"Ano ba? Napaka-ingay ninyo, magkakasakit akong lalo sa pinaggagagawa ninyo."

"Hyung," si Seungkwan ang unang bumati sa akin na nilapitan pa ako mula sa pwesto niya kanina.

Nagsitahimik naman na ang iba lalo na nang makita nilang seryoso akong nakatingin sa kanilang lahat na para bang isa-isa ko silang inusig dahil sa pang-aabala nila sa akin. Pero saglit lang din iyon dahil sa halip na manahimik ay lalong hindi naman natinang mga ito at otomatikong isa-isa akong nilapitan para yakapin.

Halos hindi na nga ako makahinga sa higpit ng yakap na ibinibigay nila na sa huli ay hinayaan ko na lang.

"Teka nga! Ano bang ginagawa ninyo rito? Hindi ba't may practice kayo?" angil ko sa kanila nang matapos sila sa pagyakap sa akin.

"Hyung, alam mo bang nag-cancel pa kami ng practice para lang dalawin ka rito? nag-alala kami nang husto nang malaman naming sinugod ka rito sa ospital kaya hindi na kami makapag-concentrate pa. Alangan namang unahin pa naming mag-practice eh wala ka namang ibang kasama rito, baka malungkot ka." mahabang litanya ni Hoshi na umupo pa sa gilid ng kama ko.

"Tama si Hoshi, hyung. Mas importante namang malaman namin ang kalagayan mo kesa unahin ang pagpa-practice. Pinayagan rin naman kami ng management na magpahinga muna at magbreak habang hinihintay ka."

"Iiyak na ba ako, Dino?" natatawa kong tinukso si Dino na mabikis namang eksaheradong umiling.

Pagkatapos ay tahimik ko silang pinangmasdan. Sa totoo lang ay maswerto ako sa kanila dahil alam kong hindi nila ako basta iowan at papabayaan. Hindi nila hahayaang mahuli ako kaya naman kahit pa sinabi nilang gusto lang nilang magpahinga ay hindi naman maikakaila kung ano talaga ang totoo, ayaw nilang maiwan ako.

Nagtatawanan na ang lahat nang sabay-sabay kaming mapalingon sa pintuan nang bumukas ito. Hindi na ako makagalaw nang makilala kung sino ang iniluwa nito na kasalukuyan ring nakatingin sa akin. She's just standing there looking at me na para bang inaalam niya kung ayos lang ba ako, hindi siya nagsasalita pero sapat na ang mga tingin niya para makuha ko ang ibig niyang sabihin.

"Kalih,"

Maging ang ibang miyembro na naroon ay nagulat rin sa biglaan niyang pagpasok ngunit hindi na niya ito pinansin, kahit pa ang pagtawag ni DK sa kanya. Nanananatili lamang siyang nakatayo at nakatingin sa akin. Doon ko na napansin na isa-isang nagsisialisan ang mga tao sa silid ko, hanggang sa lumabas na ein ang huling taong kanina lang ay nakaupo sa gilid nang kama ko.

Don't Listen To It Secretly (Wattys 2020 Winner)Where stories live. Discover now