DLTIS 16: One Starry Night

965 30 12
                                    

-----

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

-----

Matapos ang hapunan ay nagsialisan na ang lahat ng tao sa hapag-kainan. Kung gaano kabilis ang mga ito kanina nang tawagin namin ni Joshua para kumain ay ganoon rin kabilis na nagsipulasan ang mga ito nang ligpitan na.

Naiiling ako nang makitang naiwan ako, si Joshua, Kalih at DK na nagsimulang maging abala sa pagligpit ng pinagkainan namin. Sinalansan isa-isa ni DK ang mga maruruming pinggan, pinaghiwalay ang mga natirang pagkain at sinugurong maaalisan iyon ng mga dumi bago hugasan. Si Joshua naman ay itinabi ang mga natirang ulam sa ref, isa-isa nitong inilagay sa tupperware ang mga iyon bago tumulong kay DK. Si Kalih ang nakatoka sa hugasin at ako naman ay nakatayo lang sa gilid niya habang naghuhugas siya.

"Tatayo ka lang diyan, Yoon Jeonghan? Kung iyan lang ang gagawin mo eh mabuti pang pumunta ka na sa salas. Wala ka namang naititulong."

Natawa ako sa sinabi niya sa akin. Matapos ang nangyari noong isang araw ay ngayon ko na lang ulit siya nakita na ngumiti. This is the Kalih that I know, hindi siya nagpapakita ng anumang emosyon sa iba lalo na sa mga taong alam niyang mag-aalala para sa kanya.

Naramdaman kong mahina niya akong sinuko dahil puno ng sabon ang kamay niya. Samantalang nagpaalam naman sa akin sina DK at Joshua pabalik sa salas kung nasaan ang iba. 

Nang maiwan kami ni Kalih ay tapos na ito sa ginagawa niya, nakita kong nagpupunas na lang siya ng kamay matapos isalansan sa patuyuan ang mga hinugasang pinggan.

"Tapos na po ako, wala ka ng gagawin pa. Salamat sa panunuod." natatawang panunuya nito sa akin.

Humila siya ng isang upuan at saka sumalampak ng upo roon. Nagpatuloy siya sa pagpapatuyo ng mga kamay niya at saka ako sinenyasan na umupo sa upuang nasa tabi niya.

"Ayos ka lang ba?" anito sa akin matapos kong maupo sa upuang itinuro niya.

Hindi ko napigilang matawa sa tanong niya dahil sa pagkakaalam ko ay siya itong may problema. Tinignan ko siya sa mga mata bago ako ngumiti at bumuntong-hininga.

"Ano?" Naiinip na muling tanong nito sa akin nang hindi ako sumagot.

Hindi ko naman na napigilan pa ang matawa dahil sa itsura niya habang naiinip na hinihintay ang sagot ko sa tanong niya.

"Bakit ba?" Ako naman ang nagtanong sa kanya nang makulitan habang tinatanong ako. "Ikaw ang tatanungin ko, okay ka lang ba? Okay ka lang ba na nandito siya?"

"Okay lang ako at okay kami ni Chinee. I was the one who invited her here."

Napatingin ako sa kanya matapos niyang sabihin iyon. I guess I cannot hide the fact that I wasn't okay with the idea of Chinee being here. Lalo pa at nalaman ko ang background niya. Hindi na ako kumibo at doon ay nagpatuloy lang si Kalih.

"She's a friend. She will always be a friend at hindi porket hiwalay na kami ni Baro ay mapuputol ang pagkakaibigan namin."

"She might possibly the reason why you and Baro broke up."

Don't Listen To It Secretly (Wattys 2020 Winner)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora