DLTIS 21: Sad Song

687 33 14
                                    

The above media is a different story feat. Yoon Jeonghan of Seventeen.

Feel free to view my profile and read it. 😊

-----

-----

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-----

"Sigurado ka bang gusto mong gawin 'to?"

Hindi ko na mabilang kung ilang ulit na akong tinanong ni Jeonghan kung gusto ko pa bang ituloy ang porject lalo na nang malaman ko kung kaninong drama series ang gagawan namin ng OST. Ilang beses na rin niya akong sinabihan na pwede naman akong magdahilan, siya na raw ang bahalang magpaliwanag kay mama kung hindi ko talaga kaya at alam kong hindi pa rin siya tapos na kumbinsihin ako.

He is persevered at alam ko kung bakit.

Umiling ako bilang tugon, hindi ko na rin mabilang kung ilang beses kong ginawa iyon at kung ilang ulit ko ng sinabi na ayos lang ako, na hindi magiging problema kung magkikita ulit kami ni Baro dshil sila ni Alexene ang mismong bida sa drama series ng OST na kakantahin namin nila Jeonghan.

Tinignan ko muna siya bago ko hinawakan ang kamay niya, bahagya akong lumapit sa kanya upang bulungan siya dahil masyado ng maingay sa lugar kung nasaan kami.

"Ayos lang nga ako. Magrelax ka na nga lang diyan, mas mukha ka pang tense sa akin, kayo ba yata ni Baro ang may nakaraan eh?" pabirong sabi ko pa na lalo naman niyang ikinaseryoso.

"Pero kasi nag-"

"Isa pa, paano naman ako makakaatras pa," nginuso ko ang paligid ng lugar kung saan kami naroon, maliban sa ilang staff and crew ng drama series kung saan ako at ang vocal unit ang naatasan na kumanta ng OST ay may ilan ring press ang naroon para sa official press release ng naturang drama na pagbibidahan nina Baro at Alexene. Naroon kami dahil kami ang kakanta ng main OST ng drama at nakakatawang isiping kinukumbinsi pa rin niya akong umatras kahit na napasubo na ako.

"Magsisimula na 'to anumang oras, sa tingin mo ba makakalabas pa ako rito nang walang makakapansin?" Pahabol na sabi ko sa kanya. "Isa pa, kababalik ko lang. Ayoko namang ma-issue ako for leaving and being unprofessional, alam mong hindi ako ganoon."

Magsasalita pa sana siya nang biglang magsimulang sa pagsasalita ang emcee at nakuha noon ang atensiyon ng lahat ng naroon sa paligid. Tahimik na nakinig ang lahat at ang kaninang maingay na lugar ay nabalot ng katahimikan, tanging boses lamang ng emcee ang maririnig at ang lahat ay nakatingin lang rito.

"Everyone, the press conference will be starting in a bit. Please stand by as your questions will be entertained at sasagutin ng ating mga casts ang lahat ng iyan."

Nagsimulang maglikot ang paningin ko sa buong paligid, may hinahanap pero wala akong mahagilap.

Ang lahat ay nag-aabang na sa pagdating nina Baro at Alexene, may narinig pa ako kaninang nagtanong kung sabay ba silang darating at hindi ko maiwasan na matahimik nang marinig ko iyon. Pormal na ipakikilala ang dalawa bilang loveteam at isang malaking proyekto ang pagbibidahan nila kaya ganoon na lang ang antisipasyon ng mga taong naroon. Marahil ay itatanong rin ng press sa mga ito ang totoong estado ng relasyon nila dshil nagkalat pa rin sa socmed ang lahat ng sweet photos ng dalawa.

Don't Listen To It Secretly (Wattys 2020 Winner)Where stories live. Discover now