DLTIS 11: What Happened To Perfect?

1K 49 43
                                    

-----

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-----

Naramdaman ko ang marahang paghawak ni DK sa braso ko. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakatitig sa kalsada habang pabalik kami ng Pledis, I lost track of everything and I can't even think straight matapos naming mag-usap ni Gongchan.

Ngayon pa lang nasisimulang iproseso ng utak ko ang mga sinabi niya kanina, them, disbanding and the fact that Baro didn't even metion his plan to me.

Baro-hyung decided to leave our agency, same with Jinyoung-hyung. We are no longer a five member group, Kalih.

Hindi rin mawala sa isip ko ang lungkot sa mukha ni Gongchan habang sinasabi sa akin ang balitang iyon. I have no clue, I have no idea.

How could he hide this to me?

Bakit ang dami na niyang hindi sinasabi?

"Ayos ka lang ba, Kalih?"

Boses ni DK ang nagbalik sa akin sa reyalidad. Hawak niya pa rin ang kamay ko habang nag-aalala itong nakatingin sa akin.

"Huh?" alanganin kong nilingon si DK na nasa driver's seat.

Napansin ko na lang na nakahinto na ang sasakyan nito at nakatabi na sa gilid ng kalsada. Marahil dahil sa hindi ko pagsasalita ay ipinasya nitong ihinto muna ang sasakyan sa tabi upang siguruhing ayos lang ako. 

I just nodded sabay ngiti sa kanya. Sana ay hindi niya nahalatang pilit lang iyon upang hindi na siya magtanong pa.

Ayoko ng pag-isipin pa siya o pag-alalahanin dahil sa nangyayari sa akin. Sapat na ang abalang ginawa ko nang hayaan ko siyang samahan ako, he's one of the few people who knows me at sa puntong ito ay hindi ko na gustong pag-alalahanin pa siya.

Naramdaman ko ang marahang pagpisil ni DK sa kamay ko bago siya magsalita.

"Gusto mo bang ihatid muna kita sa inyo?"

Umiling ako bilang tugon sa kanya. "Hindi na. May broadcast pa kayo mamaya, hindi ba? Baka mahuli ka pa kapag hinatid mo ako, magalit pa sa iyo sina S.Coups. "

"Pero ka-" magpupumilit pa sana siya pero pinutol ko na ang ilan pang sasabihin niya.

"Ayos lang ako."

"Sige." wala nang nagawa pa si DK kung hindi ang sundin ako. Nagpatuloy siya sa pagmamaneho at itinuon ang tingin sa kalasada, mayamaya pa ay muli itong nagsalita at bumaling sa akin. "Bago tayo bumalik, pwede bang kumain muna tayo? Gutom na gutom na ako."

Tumango ako bilang pagsang-ayon sabay ngiti sa kanya. Sa dami ng iniisip ko ay nakalimutan kong hindi pa pala kami kumakain, hindi rin ako nakakain kanina kasama si Gongchan at marahil ay hindi rin nakakain si DK kakahintay sa akin.

Don't Listen To It Secretly (Wattys 2020 Winner)Where stories live. Discover now