Chapter 25: Sagi's Weird Feelings

Start from the beginning
                                    

"Nakakatuwa naman. Sana lahat ng tao ay katulad mo na alam kung ano ang kahalagahan ng kalikasan."

"Hehe salamat. Siya nga pala, may community activity palang papangunahan ang Ecology Club. Isang Tree planting activity. Gusto mong sumali?"

"Talaga? Syempre naman! Kailan ba iyan?"

"Sa susunod na linggo. Ngayon nga ay inaasikaso na rin namin ang mga dapat gawin para sa community activity eh."

"Pwede ba akong magvolunteer na tumulong sa inyo? Gusto ko yang nga ganyang gawain eh. Isasama ko din sila Sagittarius at Leo sa event."

"Wow! Talaga? Thank you ah! Hehe. Ayos lang ba kung after class ay puntahan mo ako ulit dito. Ibibigay ko sayo yung mga info tungkol sa activity."

"Uhm, walang problema."

--------

*Yawn*

"Mukhang inaantok ka pa, Sagi ah?" puna ni Ansha kay Sagi habang naglalakad sila sa hallway

.

"Hmm. Hindi naman. Ayos lang."

"Wag kang mag-alala. Patapos na rin tayo sa mga gawain natin sa club. Natapos niyo na nga yung mga pinapagawa sa inyo ni Marianne diba? Ang sabi ni Marianne ay ipa-finalize at ire-recheck na lang nya ang mga trabaho natin ngayong araw. Pagtapos noon ay pag-uusapan nila iyon ng student council. Sila na kasi ang in-charge sa pag-aasikaso ng mga field at court na gagamitin sa Intrams pati na rin sa decorations. Yay! Makakapagpahinga na rin tayo."

"Mabuti naman kung ganun. Bwahahaha! Sila Andree naman ang magpapakabusy ngayon haha." *Evil grin*

"Ah, Sagi?"

"Hmm?"

"Si Lilian? Close talaga kayo 'no?" nakayukong tanong ni Ansha

"Ahm...close? Medyo? Simula kasi ng mga bata pa kami ay nakakasama na namin sya kaya siguro nga medyo close din kami hehe."

"Ahhh...simula noong mga bata pa kayo?"

"Hehe oo. Ah, maiba ako. Kapag kasama natin si Lian ay tumatahimik ka? Naiilang ka ba sa kanya?" pag-iiba niya ng usapan. Ang awkward kasi sa pakiramdam ng nag-iimbento sila ng kwento para pagtakapan ang tunay na pagkatao ni Lilian.

"Ha? Ahm...ano kasi...medyo nahihiya lang ako sa kanya."

"Bakit ka naman nahihiya? Kahit naman ganoon iyong si Lian ay mabait naman sya."

"Paanong ganoon?"

"Haha di nyo pa kasi siya kilala. May pagka pasaway at matigas din ang ulo niya eh. Wag kang mahiyang lumapit sa kanya, alam kong magkakasundo kayong dalawa."

Lady of the Blue Moon LakeWhere stories live. Discover now