Chapter 36

1.5K 60 32
                                    

Xia

NAKATINGIN ako sa repleksyon ko sa salamin habang suot ang gown na binili ni Kaizer para sa'kin.

"Ang ganda naman ng kaibigan ko" sabi ni Besty, Na nasa likod at nakatingin sakin habang naglalagay ako ng make-up sa mukha.

"Alam ko," natatawang sabi sa kanya. Inirapan niya lang ako.

"Ikaw kapag pinupuri ka lumalaki agad ang ulo mo" Tinapos ko na lang ang paglalagay ng make-up, At tumayo. Tiningnan ko ang orasan na nasa bed side table namin ni Besty.

"Bakit hindi pa ako sinusunod ni Kaizer. Ang sabi niya mga six pm susunduin niya daw ako eh." May party kasing pupuntahan si Kaizer at syempre ako ang date niya.

"Hindi ka naman makapaghintay makita siya!" Sabi ni Besty kate na nakaupo na ngayon sa kama namin. Lumapit ako sa kama para magsuot ng heels.

Tumayo ako at umikot para maglakad tinatantya kong hindi ba sasakit ang paa ko. Dahil alam ko hindi lang kami uupo dalawa ni Kaizer. Ilang beses na rin akong nakasama ni Kaizer sa mga social party niya at alam kong mahabang gabi yun para sa aming dalawa. Marami siyang kakausapin na tao na nasa business world din.

"Iba ka talaga! Sosyal na sosyal kana ngayon ah" sabi ni Besty sakin. Inikotan ko siya ng mata.

"Ganito rin magiging buhay mo kapag naging kayo ni Joshua." Natawa ako ng binato niya ako ng unan.

"Ano ka ba! Hindi yun mangyayari. Kasi wala akong gusto don!" Tinawanan ko lang siya.

"Oo na, hindi mo nga gusto. Pero, Hinahanap mo naman kapag wala!" Binato ko pa balik sa kanya ang unan na binato niya sakin.

"Hoy! Sinong nagsabing hinahanap ko yun ha?" Tumawa ako ng namula ang pisngi niya.

"Nakita ko kaya na panay lang ang sulyap mo sa cellphone mo, At nakita ko na siya lang naman ang katext mo." Mas lalong namula ang mukha niya.

"H-hindi kaya!"

"Sige, Naniniwala na ako sayo" Kinuha ko ang cellphone na nasa kama ng tumunog ito. Napangiti ako ng makita ang pangalan ni Kaizer sa Screen ng cellphone ko. Agad ko din namang sinagot.

"Babe" malambing kong sagot. Nakita kong umikot ang mata ni Besty habang nakatingin sakin.

"Babe, I'm sorry. Malalate ako ng 30 minutes. Okay lang ba? May kailangan pa kasi akong puntahan."

"Sige, Hindi pa rin naman ako tapos sa pag-aayos" sabi ko, kasi ayaw ko siyang ma-guilty.

"Thank you, Babe. Pupunta ako agad dyan. Pangako. I love you"

"Yeah, I love you too" binaba ko na ang tawag.

"Hindi ka pa tapos sa lagay na yan? Pag-ibig nga naman!" Umupo nalang ako sa kama at tiningnan ang singsing na engagement ring namin ni Kaizer habang may ngiti ako sa mga labi.

"Hindi naman, Big deal sa akin na maghintay sa kanya ng thirty minutes. Dahil hinintay niya ako ng matagal na panahon." Lumapit si Besty sakin at niyakap ako.

"Masaya ako para sayo, Malapit ka ng ikasal!" Hinawakan niya ang kamay kong may singsing.

"Next year pa ang balak naming magpakasal. Masyado pa kaming busy ngayon." At napag-usapan na namin yun. Ayaw naming madaliin ang kasal namin. At kailangan paghandaan daw namin. Dahil gusto niya magarbo ang kasal. Dahil espesyal ako sa kanya.

Nang tanungin ko siya kong bakit siya nagpropose sa akin. Ang sabi, dahil hindi na daw siya makapaghintay na maisuot sa akin ang singsing na nasa daliri ko ngayon.

Accidentally Mine(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon